07: Could It Be Worse?

216 4 0
                                    

ISANG LINGGO ANG lumipas. Madalang lang naming makausap sina Mom dahil palagi silang umaalis nang maaga at sobrang gabi na rin kung umuwi. We tried reaching out to them but they always say that it was just nothing. Hindi naman kami naniniwala ni Zius.

Hindi rin kami pwedeng magkita ni Cedar ngayon dahil busy siya sa paggawa ng kanyang plates at ibang activities. Nagmukmok lang ako sa bahay. Kinagabihan, narinig ko ang pag ring ng aking phone. A call from my Walis! Malawak akong napangiti saka sinagot ang tawag.

"Good evening, sunshine. Kumain ka na ba?" aniya sa malambing na boses.

Agad akong umiling. "Wala akong gana..."

His brows furrowed. "Why?"

I shrugged. "I don't know," biglang nag-black ang screen at nakarinig ako ng mga kaluskos. "Hello? Ced?" Ilang minuto ang lumipas nang tinapat niya sa kanya ang camera at nakita kong bihis na bihis siya.

"Where are you going?" takang tanong ko.

"Sa bahay niyo. Sasabayan kita sa pag kain," he said, smiling. Hindi niya pa rin pinapatay ang tawag hanggang sa makarating siya sa kanyang kotse. "Magda-drive lang ako. I'll be there. Wait for me."

Nang pinatay niya ang tawag ay agad akong bumaba para maghain ng pagkain. Unti-unting napalitan ng galak ang aking lungkot. Kaya gustong-gusto ko tuwing weekdays dahil nagkikita kami sa school. Sumisikip kasi palagi ang dibdib ko rito sa bahay. Lagi kong naririnig ang bangayan nila Mom.

Pagkatapos kong maghain ay naghintay lang ako sa kanya sa labas. Hindi naman matagal ang aking paghihintay dahil dumating na rin naman siya kaagad. Nang maiparada niya ang kanyang kotse ay agad ko siyang nilapitan habang nakabukas ang kanyang bisig na naghihintay ng yakap ko.

"I miss you, Ced."

Mahigpit niya akong niyakap. He caressed my back and said, "I miss you more, sunshine..."

Kinalas ko ang yakap. Malawak akong ngumiti sa kanya saka ko hinawakan ang kanyang kamay. Giniya ko siya papasok ng bahay hanggang sa dining area. He offered me a seat. Bago kami nagsimulang kumain ay hinalikan niya muna ang aking pisngi.

"You're blushing," aniya.

"You make me blush and I like it," tugon ko. "Anyway, did you already finish your projects?"

Marahan siyang umiling. "Not yet. Ikaw?"

"Zius is helping me kaya it's not so mahirap..."

NASA KALAGITNAAN KAMI nang pag kain nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatitig kami ni Cedar sa isa't-isa. Akala ko ay mamaya pa ang uwi nila Mom kaya bigla akong kinabahan. Baka marinig ni Cedar ang pag-aaway nila.

"Evette, kausapin mo naman ako!" sigaw 'yon ni Dad.

Napayuko ako dahil nangingilid na naman ang aking luha.

"Pagod na pagod na ako, Eroz!"

Malalalim ang aking hininga dahil nasasaktan ako. Sobrang sakit na makitang unti-unting lumalayo ang aming pamilya sa isa't-isa. No wonder why Zius wants to be with Lilac all the time. He couldn't handle the stress and pain.

"Maayos pa natin 'to! We've been through a lot simula no'ng naging tayo. Alam kong kaya natin 'to," bakas sa boses ni Dad ang lungkot.

Ilang minuto ang lumipas nang wala na kaming narinig na sigawan mula sa kanila. Baka nakarating na sila sa kwarto nila. "Hey," mahinang tawag ni Cedar sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Let's eat first then we'll talk about it, okay?"

The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon