CHAPTER EIGHT

450 95 13
                                    


Ilang araw ang lumipas at halos palagi kaming magkasama ni Xzevier. Palagi siyang nasa cr at pinapanood ako. Oo as in, pinapanood akong maglinis. Hindi ko nga alam actually kung bakit palagi siyang nandiyan. Palagi rin niya akong isinasabay pauwi at papasok sa RU.


"Finally tapos na ang punishment ko!" masayang ani ko at napasandal naman ako sa wall sa labas ng cr.


Hindi na talaga ako makikipagaway pagclass hours or hindi kaya ay mag pahuli lalo na kay Mr Vallejo. Syempre hindi natin malalaman kung kailan na naman ako nila babalikan -_-


"Let's go, you need to rest." sabi ng kasama kong si Xzevier.


Nagtataka talaga ako sa inaasta ng lalaking 'to. He's actions parang may meaning, pero duh, hindi naman ako assumerang frog, tsaka wala naman siyang sinasabi.


"Sige." Yun lang ang sinagot ko at nagsimula na kaming maglakad paalis.


At least diba, may service ako everyday
*Evil laugh.


Pero everytime na magkasama kami, marami parin ang mga nagchi-chismisan. Minsan kung magisa ako sa hallway, naririnig ko nalang ang mga pangalan naming pinaguusap ng mga chismosa.


Halos one month palang ako dito sa RU, one month ko palang silang kilala, pero ang dami ng nangyari. Kahit nakakainis nong una naging medjo maayos din naman na ngayon.


Napatigil kaming dalawa sa paglalakad patungo sa sasakyan niya nang may nakita kaming mga lalaking nakapalibot dito, ang iba ay may dala pang baseball bat.


"Sino sila?" mahina kong tanong habang nakatingin sa mga lalaki.


"Zandros, kanina pa kami naghihintay ba't ang tagal mo namang lumabas, nainip tuloy kami sa labas kaya pumasok nalang kami.." nakangising sabi nong isang lalaking halos kasing tangkad lang ni Xzevier.


Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko, kaya napalingon ako sa kaniya.


"Black Boar..." he mumbled while still looking coldly to those guys.


Pano sila nakapasok sa parking area ng RU, asan ang yung mga guard na nagbabantay sa gate?


"May kasama ka palang magandang binibini... Magandang buhay sayo!" sabi niya habang nakatingin sa akin, at nakangisi itong lumapit sa amin pati narin ang mga kasama nito.


Hinawakan ni Xzevier ang kamay ko ng mahigpit and he stepped forward at inilagay ako sa may likoran niya.


"Xzevier?" Pero imbis na kabahan ako sa mga lalaking halos nasa sampo, bakit parang nagaalala lang ako kay Xzevier.


"Nasaan nga pala yung apat? Ay oo nga pala! Nakaalis na sila..." nakangisi sabi nung lalaki, I guess siya yung leader ng gang nila.

THE REAL QUEEN'S LIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon