CHAPTER SIXTEEN

376 74 11
                                    

Days had passed already, medjo magaling na rin ang sugat ko. May band aid ngalang sa noo -_-


"Yes, I heard na-coma daw siya."
"Shh wag kayong maingay."
"Yung dalawang kasama niya ay member ng kilalang gang sa buong mundo."
"Oo kaya please guys, wag kayong maingay."


Psh. Wag daw maingay pero panay ang bulungan. Hay! Sana talaga hindi na ako pumasok.


"Nasan yung room niyo?" rinig kong tanong ni Hendrix.


"Sa third floor pa." sagot naman ni Miiver.


Silang dalawa ang kasama ko ngayon. Hindi ko alam kung nasan si Verlin at Akieyah, pero ang sabi nila may aayusin lang daw sila... If I know, nag enroll lang sila. Ano pa nga ba? Hindi man nila sabihin sakin, alam ko naman ang mga ugali nila. Tss...


"Wait..." biglang ani Miiver nang biglang nag ring ang phone niya. Kaya tumigil siya sa gilid ng hallway para sagutin ito, tumigil rin naman kami para hintayin siya.


"It's Kiey." aniya pa ulit bago sinagot na ang tawag.


Napatingin nalang ako sa mga students na pinapanood lang kami at nagbubulungan parin.


Tsss... Wala paring pinagbago, two months akong na wala, ganyan parin sila? Psh...


"Okay... See you.." Napalingon naman ako kay Miiver nang binaba niya na ang tawag.


"Anong sabi?" tanong agad ni Hendrix.


"Nasa registrar's office sila para kunin ang class sced niyo." sagot ni Miiver kay H. See nag enroll nga ang mga walanghiya.


"Let's go. Sa classroom nalang natin sila antayin." bored kong sabi at nauna ng maglakad. Alam ko nama na sa class ko rin ang bagsak nila -_-


Nang makarating kami sa classroom ay nakita agad namin sina Monique at Klinnia na hinihintay kami, I mean, ako pala or maybe si Miiver din. Well, except kay Hendrix hindi naman siya dito nag-aaral... mag-aaral palang.


After ilang minutes. Pumasok si sir Hanz kasama ang dalawang bruha... Bagong classmate daw namin sabi ni sir. Well of course, kasama si Hendrix.


Nagulat pa nga si Monique at Klinnia na siyang katabi ko. Habang nanatili lang akong walang imik at walang pakialam sa mga ingay ng mga classmates namin.


"Hi, I'm Akieyah Framo. Nice to meet you everyone."


"Hello, I'm Verlin Trevor. It's good to meet you all."


"My name is Hendrix Rãdon. Good morning to all."


Pinapili ni sir Hanz yung tatlo kung saan nila gusto umupo, kaya at the end lahat ng taong nakaupo sa likoran ko ay lumipat dahil sa kanila. Tsk, syempre hindi sila lalayo sakin.

THE REAL QUEEN'S LIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon