CHAPTER NINETEEN

328 71 16
                                    


Mag'gagabi na ng umalis ako sa lugar. Madilim na ng makarating ako sa bahay.


"Zy? Saan ka galing?" agad na tanong ni Akieyah pagkapasok ko sa loob.


"Teka? Umiyak ka ba?" ani naman ni Verlin habang nakatingin sa muka ko.


"Tss.. Wag niyo akong guluhin." naiinip kong sabi at tumalikod na sa kanila.


"Tumigil nga kayong dalawa. Wag niyong guluhin si Queenzy." rinig kong sabi ni Hendrix sa dalawa habang naglalakad ako patungo sa kitchen.


"Oh? Saan ka galing?" bungad naman ni Miiver ng makasalubong ko siya sa may pintoan. Pero hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa may ref at kumuha ng tubig.


"Zy? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya, umiling lang ako at inilagay sa sink ang basong ginamit ko.


"Get ready, aalis tayo, pupunta tayo sa UWS. Sabihan mo sila." tanging sabi ko nalang sa kaniya at nag lakad na palabas ng kitchen.


Dumaan ako sa living room pero dirediretso lang akong naglakad patungo sa hagdan at papunta sa kwarto ko.


I want to play. Play a game that is hard and bloody.


Nang matapos akong mag palit ng damit ay bumaba na ako at naabutan ko silang lahat na nakapagpalit na rin at nag aantay sa living room.


"At last! For three years babalik tayong buo sa UW!" masayang sabi ni Hendrix.


"Tumigil ka nga, ang ingay mo!" suway ni Verlin sa kaniya.


"Yow, Z! Ano? Bakit ka biglang nag-aya?..." nakangising sabi ni Hendrix sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"... Alam mo bang simula ng nawala ka, hindi na kami pumunta sa UWS, balita nga namin may umagaw na ng spotlight natin."


"Pano naman nila gagawin yun, hindi naman nila tayo nakalaban." I wearily said.


"Aqua Sharks Gang. Ang kalabang gang ng Dark Sagittarius. Umangat ang gang nila nung naging tahimik ang gang natin." seryosong kwento ni Miiver.


"But there's a consortium. Hindi magagalaw ang rank natin hanggat hindi nila tayo nakakalaban o natatalo." seryosong sabi ko sa kaniya, ipinapaalala ang kuntratang meron ang Underworld Society.


"Some of our ally departed and decided sumapi sa ASG." sabi naman ni Akieyah.


And I remember something... Ang kwenento noon ni Lemuel about sa gang ni Noe, na dating kapanig nila ngunit umalis at sumapi sa kalabang gang. So it seems like, this Aqua Sharks Gang ang tinutukoy nila.


"Then, this would be the great time to surprise them. Let's go!" malamig kong sabi at naunang maglakad palabas ng bahay.

THE REAL QUEEN'S LIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon