Sorry kung ang tagal kong mag-UD. Nyehehe lagi na lang akong nagsosorry every chapter XD
Pagpasensyahan nyo na lang talaga kung matagal akong mag-update. Love love love ko naman kau XD
Anyway, uunahan ko na kayo mga, bhe. Bitin po ang chapter na 'to. Kinailangan ko kasi syang hatiin sa dalawa dahil medyo mahaba ang flashback. Love ko kasi si Charlotte,kaya gusto kong may exposure sya, hehehe. Gustuhin ko mang i-post na rin yung part two kaya lang hindi ko pa sya matapos-tapos dahil sa ginawa kong pagbabago sa revelation. Hindi ko kasi talaga feel yung una kong naisip na kalalabasan ng revelation. Masyado kasing common. Kaya ito, may ginawa akong bago.
BTW, this chapter is dedicated to @FallenStarAngel, dahil sya po yung naunang nag-comment sa hidden message. Hehehe sorry kung super duper late na yung dedication :D
Enjoy reading :D
***********************************************************************************************
CHAPTER SEVENTEEN:
'THE PRINCESS IS ALIVE'
Iyan ang mga katagang nabuo namin. Ni isa ay walang makapagsalita na para kaming napipi. At higit sa lahat ay walang may alam ng dapat isipin sa apat na salitang yun.
Pero sa isipan ko, naglalaro ang madaming tanong.
Totoo ba talaga ang iyon? Anong kinalaman o paano nalaman ng papa ni Yana ang tungkol dito? At higit sa lahat, bakit sa akin nya ipinagkatiwala ang impormasyong ito. Bakit sa akin nya ibinigay ang susi na pwedeng magturo sa totoong nangyari noon imbes na dalhin nya mismo sa reyna o sa hari ang impormasyong ito?
"Kalokohan!" Galit na bulalas ni King Austin. Tiim bagang syang tumalikod samin at inilagay ang dalawang kamay sa magkabila nyang bewang.
"Austin?" Gulat na usal ni Queen Light sa naging reaksyon ng asawa nya.
Bakas ang galit sa mukha nya ng pabigla syang humarap samin kasabay ng pagturo sa chess board na tanging isang pawn, king at queen na lang ang natitira.
"Paniniwalaan nyo ang sinasabi ng gumawa ng hidden message na iyan? Anong patunay natin na totoo nga ang sinasabi nya?" Seryoso nyang tanong. "Anong malay natin kung isang patibong lang yan? Hindi natin alam kung totoo nga ang nakalagay dyan!"
Tumayo si Queen Light. "Ano bang nangyayari sayo, Austin? Bakit sinasabi mo yan?" Naguguluhang tanong nya. "Ito na yun eh! Ito na yung maliit na tyansa na pwede pang buhay ang anak natin pero bakit ayaw mong hawakan?"
Matagal na hindi sumagot si King Austin, basta seryoso lang syang nakatitig kay Queen Light na parang sinusukat ito. Samantalang nakatingin lang kami sa kanila.
"Dahil ayokong sa huli, masaktan ka na naman dahil sa pagkabigo sa pag-asang pinanghawakan mo" sagot nya. "Kasi Light..." huminga sya ng malalim. "...mas nasasaktan akong makita na nasasaktan ka. Ayokong umasa ka na naman at masaktan" nahihirapan nyang pagpapatuloy.
Kung kanina ay bakas ang galit sa mukha nya, nakikita ko na din don ang sakit at awa.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasy"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...
