CHAPTER FIFTEEN:

2.9K 61 19
                                    

ISANG MALAKING SORRY, GUYS!!

Alam ko po na super late UD ang chapter na 'to. Hindi ko po kasi ini-expect na magiging busy ako. Kasama po kasi ang bahay namin sa mababawasan dahil sa road widthining project ng government. Kaya ayon, busy po kami sa pagliligpit ng mga gamit namin. Tapos nagsimula pa yung training ko sa red cross. Super pagod na ako kapag umuuwi ng gabi, yung tipong pagkahiga ko pa lang ay tulog na agad ako at hindi na nakakakain. Nyehehe ganon ako kapagod ;)

I hope you understand, guys. Love you :)

Hello pala to my #bebeRizza? Hello, anak? :)

Rheena: belated happy birthday. Happy birthday din daw sabi ng mama mo ;)

Hello din pala kay Reijean, na nakasama ko sa training sa red cross. Nyehehe super nag-e-enjoy ako sa pakikipag-reminisce noong college tayo. Naalala ko tuloy yung professor namin na gay na super crush na crush ko, I mean, crush natin <3

HAPPY VALENTINES mga #bebe ko <3

*******************************

CHAPTER FIFTEEN:

"NAKAKAAWA ANG REYNA, NOH?" Iyon ang una kong narinig ng magising ako.

"Sinabi mo pa! Tulala lang sya at hindi kumakain. Ano nga kayang nangyari nong isang araw ng umalis sila ni King Austin?" Nagtatakang tanong nong babaeng kausap.

Nong isang araw? Ibig sabihin, nong isang araw pa akong walang malay? Sa tuluyang pagkagising ng diwa ko, dumagsa sa alaala ko ang lahat ng nangyari ng araw na yun.

Narinig kong bumukas yung pinto at muli nitong pagsara. Umalis na marahil yung dalawang babae na nandito kanina na marahil ay mga tagapagsilbi. Sa pag-alis nila, tuluyan na akong dumilat at bumangon. Kumpara nong araw na yun, wala na akong maramdamang pananakit ng katawan ko.

Sa tuluyan kong pagkaalala sa nangyari, hindi ko maiwasang di mapaluha. Hindi ko alam kung ang mga luhang 'to ay dahil sa pagkamatay ng ama ko noon, dahil sa walang kalaban-labang pagkamatay ng tunay kong ina sa panganganak samin, dahil sa pagkamatay ng kapatid ko, sa pagkamatay ni Allena o dahil sa awa para sa reyna. Pero higit sa lahat, hindi ko maiwasang di sisihin ang sarili ko. Dahil pakiramdam ko, may kasalanan ako kung bakit nangyayari 'to ngayon sa lahat.

Pinahid ko yung luha ko sabay tayo. Gusto kong makita ang reyna! Dahil kung meron mang higit na makakaintindi sakin, alam ko na sya yun. Pero ako din ang kusang natigilan sa pagbubukas ko ng pinto. Tama ba ang gagawin ko na pagharap sa kanya? Kung ang dahilan ng pagkamatay ng anak nya ay dahil sa mga tagasunod ng papa ko? Kung ang makita ako ay possibilidad na makapagpaalala sa kanya ng nanyari sa anak nya.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa door knob sabay yuko. Hindi ko ata kaya na makita sya na nasasaktan lalo na sa pagkaalala ko sa sinabi nong dalawang tagapagsilbi na nanggaling dito.

'Puntahan mo sya!' usal ng tagong bahagi ng puso ko. 'Ikaw ang higit na kailangan nya ngayon!'

Natigilan ako sapagkat mas malakas ang sigaw ng puso ko kesa sa lohikal ng isipan ko. Kaya kahit na wala akong mukhang ihaharap sa reyna, binuksan ko yung pinto at humakbang ako papunta sa iisang direksyon.

Sa kwarto nila.

Iyon ang lugar na itinuturo ng sakin ng pakiramdam ko. Dali-dali akong naglakad hanggang sa makarating ako doon. Binuksan ko yung pinto at bumungad sakin ang mga Von Ashford at ang mga Lord na nag-aalalang nakatingin kay Queen Light na tulalang nakatingin lang sa labas. Nakaupo sya sa may balcony ng kwarto nilang mag-asawa. Samantalang si Grey ay nakaupo sa harapan ng mama nya at hawak-hawak ang kamay nito.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon