Sarreh na-delayed itong part two. Haha bumigay na yung katawan ko eh, kinailangan ko munang bumawi ng tulog :)
Haha pasaway kasi ako :p
*******************************
CHAPTER THIRTEEN (part two):
"SAAN MO NAKUHA 'TO?" seryosong tanong sakin ni Queen Light ng makita nya yung larawan.
"Hindi ako sigurdo pero may lihim na daan akong nakita sa libriary, sinundan ko lang yun hanggang sa dalhin ako ng daang yun sa isang kwarto at doon ay nakita ko yan sa pader na natatakluban ng mapa" sagot ko.
Humigpit naman ang pagkakayakap ng isang kamay ni Grey sa bewang ko. Kasalukuyan na kaming nakaupong lahat, maliban kina Lord Damon at Lors Psyche na nakatayo sa tabi ng mga asawa nila.
"Kwarto ni David" wika ng reyna
Kaya ba nasa kwartong yun ang larawan na nakita ko? Si Lord David din ba ang nagtago ng larawang yun don?
"Iyan ba si Josephine?" Tanong ng hari na nakaupo din sa tabi ng reyna.
"Hindi. Nakita ko na si Josephine nong araw na mapatay ko si David. Dumaan sa isipan ko ang nakaraan nilang dalawa kaya nasisiguro ko na hindi sya si Josephine. Saka base sa sulat na nasa likod, isa syang babae na nagmahal kay David pero hindi nasuklian" sagot ng reyna.
"Possible na dahil sa pagmamahal nya para kay David ay gusto nyang ipaghiganti ang pagkamatay para dito" konklusyon ni Mistress Eve
"May possibilidad" tumatango-tangong sang-ayon ni Lord Will
"Pwede kong tingnan ang nakaraan" sabat ni Lord Damon. Inilahad nya ang kamay nya kay Queen Light para ibigay sa kanya yung litrato.
Kaagad namang ibinigay ng reyna yung litrato. Huminga ng malalim si Lord Damon at tila nag-concentrate sya habang titig na titig sa hawak nya. Samantalang nakatingin lang kami sa kanya. May ilang segundo ring tila nawala sa sarili si Lord Damon dahil nakatingin lang sya sa kawalan.
Kunot noo syang tumingin samin makalipas ng halos ilang minuto. "Ang pangalan nya ay Charlotte at mukhang mali tayo ng sapantaha sa babaeng ito" bahagya nyang iwinagayway yung litrato.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Lord Psyche.
"Patay na sya" direktang sagot ni Lord Damon
Nanlaki naman ang mga mata namin. Ewan ko pero bahagyang nanikip ang dibdib ko sa kaalamanang patay na sya. Malinaw kong nakita sa isipan ko ang maamong mukha nong babae sa litrato, ang napakasimple nyang ayos at higit sa lahat ang pagmamahal na naramdaman ko sa sulat nya.
"Sigurado ka ba dyan?" Di makapaniwalang tanong ni Mistress Star
"Oo. Nakita ko ng mamatay sya sa panganganak" seryoso nitong sagot
Kung kanina na nagulat kaming malaman na patay na sya, mas nagulat kaming malaman na namatay sya sa panganganak.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasía"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...