CHAPTER ONE:

6K 125 24
  • Dedicated kay Lei Nicole U. Suministrado
                                        

Hehehe the last time I check mas mataas ang read ng Obsession kaya iyon ang nalagyan ko ng unang UD :p

But honestly, guys, kinakabahan ako sa story na 'to hahaha :p

And thanks nga pala kay Raella para sa pag-vo-volunter na ipagamit yung name mo. Thanks girl :)

******************************************************

CHAPTER ONE:

NAGISING ako sa kakaibang ingay. Pupungas-pungas pa akong bumangon dahil madilim sa kwarto ko kaya sinasanay ko pa ang paningin ko. Nang masanay na ang paningin ko, tumayo na ako mula sa kama ko ngunit saktong pagtayo ko ay bigla akong napapitlag dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba ng bahay namin.

"Mom...Dad" usal ko dahil bigla akong sinakluban ng kaba.

Ewan ko pero kinakabahan ako sa ingay na naririnig ko. Nanginginig na pinihit ko ang doorknob at lumabas sa kwarto ko. Natatakot ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto kong malaman kung anong nangyayari sa baba. Nag-aalala din kasi ako sa mga magulang ko.

Tinatagan ko ang loob ko ng bumaba ako ng hagdan at ganon na lang ang panggigilalas ko ng makita ko si mommy na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. Sa tabi ng katawan ng mommy ay may isang lalaking nakatalikod sa gawi ko at kapit-kapit nya si daddy

"Mommy!" natutop ko ang bibig ko kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mata.

"A-Anak...t-tumakbo ka na!" Nahihirapang bigkas ni daddy, nasa direksyon ko nakaharap ang ulo nya kaya nakita nya ako.

Humarap sa gawi ko yung lalaki na may kapit kay daddy at talaga namang nagtaasan ang lahat ng balahibo ko ng makita ko ang pula nyang mga mata at kung paano nya ubusin ang dugo ni daddy.

"T-Takbo na!" Huling salita ni daddy bago sya parang isang basura na basta na lang itinapon sa isang tabi ng halimaw na nasa harapan ko.

"Kung sinuswerte ka nga naman oh! Busog na ako tapos meron pang magpapainit ng gabi ko!" Nakangisi nyang pinahid ang natirang dugo sa gilid ng labi nya.

Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ibig nyang sabihin pero gustuhin ko mang gumalaw o ihakbang mga paa ko, para na akong itinulos sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko, ni hindi ko maramdaman ang mga binti ko.

Ito na ba ang katapusan ko?

Napatingin ako kina mommy at daddy na wala ng buhay kaya lalo akong naiyak.

"Don't cry little kitty. You will enjoy this night!" Malisyuso nyang wika at nagsimula na syang humakbang palapit sa kinaroroonan ko.

Sa sinabi nyang yun ay tila muling bumalik ang pakiramdam ng mga paa ko kaya napaatras ako.

"W-Wag kang lalapit!" Nanginginig na usal ko at napakapit ako sa isang estante kung saan nakapatong ang isang flower vase.

"No one can stop me" nakangising wika nya

No!

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon