Damn this life! My life sucks!
Sorry for the outburst, guys! And sorry kung ang tagal kong nawala sa TNB.
Not re-read and not edited.
*******************************
CHAPTER NINE:
PABALIKWAS akong bumangon sa higaan ko. Mula sa bukas na balcony ng kwarto ko pumapasok ang malamig na simoy ng pang-umagang hangin na kung saan naghahatid sakin ng kakaibang lamig.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kung sino ang nakamasid sakin kanina bago ako magising. Hindi ko lang sigurado kung panaginip ko lang yun, guni-guni dahil sa naalimpungatan ako.
Wala na sa pagtulog ang diwa ko kaya bumangon na ako. Lumakad ako palapit sa pintuan papuntang balcony. Hindi ko pala yun naisara kagabi. Marahil dala na ng pagod ko ay di ko na nagawa.
Sabado naman ngayon kaya wala kaming pasok. Wala din naman akong gagawin kaya hindi ko kailangan na magmadali sa pag-aayos ng sarili ko.
Matapos kong maligo, simpleng fitted pants at blouse lang ang isinuot ko. Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos ng sarili.
Pagkababa ko sa sala, binati ako ng ilang mga ka-dormmate ko na ginantihan ko lang ng simpleng pagngiti. Pansin naman nila na hindi ako palaimik kaya ayos lang sa kanila na sa ganong paraan ko sila batiin.
Ngunit nakalabas na ako ng dorm building namin, ni anino nina Maxine at Yana ay hindi ko nakita samantalang alas nueve na ng umaga. Ipinagkibit balikat ko na lang yun. Marahil ay mayroon silang inaasikaso.
Si Grey kaya, gising na kaya?
Nasa canteen na kaya sya at kumakain?
Pwede
Sa isipin na pwedeng nasa canteen na sya, nagsimula na akong baybayin ang daan papuntang canteen. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng canteen, sya agad ang hinanap ko pero anino nya ay hindi ko din makita.
Tulog pa kaya sya?
Marahil ay napagod sya sa nangyari kahapon. O pwede ding may pinagkakaabalahan na sya.
Dumiretsyo na lang ako sa counter at bumili ng isang pirasong mansananas. Wala din naman akong ganang kumain ng almusal.
Pagkabili ko ay lumabas na din ako. Tatapusin ko na lang yung librong binabasa ko. Pumunta ako sa locker ko dahil sa pagkakaalala ko ay don ko naiwan yung libro.
"Talaga? Pupunta ang royal family dito sa Academy para sa paggunita sa pagkamatay ni Lord David?" Rinig kong wika nong babaeng dumaan sa may likuran ko
Natigilan ako sa pagkuha ng libro ko.
Pupunta dito ang royal family? Pupunta dito ang reyna...ang babaeng minahal ni Grey.

BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasy"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...