CHAPTER ELEVEN:

3.6K 78 37
                                        

ANNOUNCEMENT: On-hold po muna ang My husband, Me, My lover. Thanks :) May nangyari lang kasi na hindi ko kayang magsulat ng apat na story :)

I don't like this chapter nyahahaha ang dami kasing hindrance bago ko natapos isulat tapos may nagkasakit pa ako kaya sabog ang utak ko :p Sorry kung late na 'to masyado :P

Nyahaha pasensya na, hindi ko na na-backread 'to... ngayon ko lang talaga sya natapos isulat dahil may pinagdaanan eh :P Edit ko na lang later :P

Merry Christmas mga bebe loves.. Thank you po sa lahat ng suporta <3

Love love love <3

****************************************************************

CHAPTER ELEVEN:

HINDI PA MAN ako nakakabawi sa pagkabigla ng pagbabago ng kulay ng mga mata ko pati na rin ang paglabas ng pangil ko, muli na naman akong napasigaw sa sakit. Muli ko na namang naramdaman ang apoy na tila tumutupok sa loob ng katawan ko.

"Aaahhhh!" Hiyaw ko. Umaasa na sa pamamagitan non ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. "A-Ang sakit!"

Wala na akong ibang maramdaman kundi ang ibayong sakit sa loob ng katawan ko. Iyon lang ang tanging umiikot sa loob ng isipan ko. Yung init sa loob ko ay nagmumula sa puso ko na tumutulay sa bawat ugat at bumabaon sa bawat himaymay ng pagkatao ko.

Naramdaman ko na lumalakas ang hangin sa paligid ko. Nagsimula sa munting ihip ng hangin hanggang sa tila palakas ng palakas. Nakita ko ng liparin ng hangin yung misteryosong lalaki pati na rin ang kasama nyang isa pang bampira kasama na din si Grey. Yung may hawak kay Grey at maging siya ay tumama sa malaking bato. Samantalang yung misteryosong bampira naman ay tumalsik lang palayo sakin, napigilan nya ang pagtama sa bato.

Nasa tabing dagat man kami ngunit madaming bato sa bahaging ito.

Gusto ko sanang tulungan si Grey o di kaya ay pahintuin ang nangyayari pero hindi ko magawa. Parang may sariling pag-iisip ang katawan ko at gusto nitong ilabas ang sakit na nararamdaman.

Sa talim nong hangin na nakapalibot sakin, nagawa nong putulin ang pagkakagapos ko. Tapos yung malaking bato kung saan ako nakatali, unti-unti iyong umaangat sa ere at maging ang mga malalapit sakin. Kahit na nakawala na ako, nanatili pa din ako sa kinatatayuan ko.

Nong una ay sa palibot ko lang malakas yung hangin pero unti-unting lumalawak iyon hanggang pati sa dagat ay umabot na ang paglakas ng hangin.

Nagkakaroon na ng malalaking alon dala ng malakas na hangin. Yung temperatura ng hangin ay mainit na syang nagpapa-evaporate sa tubig dagat sanhi ng pagbigat ng kalangitan. Kung kanina ay kitang-kita pa ang maliwanag ng buwan, ngayon ay tuluyan na iyong natakpan ng ulap na nagbabadyang magbagsak ng isang malakas na ulan.

"Aaaahhhhh!!" Hiyaw ko dahil mas tumitindi ang sakit na nararamdaman ko.

"E-Ella!" Rinig kong sigaw ni Grey. Nakita ko syang mahigpit na nakakapit sa batong pinagtalsikan nila para hindi sya malipad, ganon din ang ginawa ng bampirang may hawak sa kanya kanina.

Gusto ko man syang tugunin, hindi ko magawa. Nakikita ko ang nangyayari pero parang wala dito ang isip ko sapagkat nakatuon iyon sa sakit na unti-unting tumutupok sa loob ko.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon