Hello po kay @cluMsynhor008. Sya po yung gumawa ng bago nating book cover. Thank you po talaga. Gaya po ng ipinangako ko, sayo po naka-dedic. ang chapter na 'to. :D
*******************************
CHAPTER EIGHTEEN:
HINDI KO NAPIGILAN ANG SARILI ko na huwag lumabas sa sasakyan kahit na iyon ang bilin sakin nina Ella. Masyado akong nag-aalala para sa kanila para maupo na lang sa loob ng sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko silang lahat na makipaglaban. Sina Maxine at Bradon ay mga canibal ang kalaban samantalang sina mama at papa pati na rin si Ella ay mga Rogue ang kalaban.
Mula dito sa pwesto ko, kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Ella habang nakikipaglaban don sa isang lalaking may suot na itim na cloak. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila at base sa sinasabi nong lalaki, lalong nagagalit si Ella.
"Nakakaawang Ella" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na yun.
Napatiim bagang ako dahil sa kabila ng kaamuhan ng kanyang mukha ay naandon ang kaangasan. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ang lalaking mahal nya, hindi man lang sya magawang ipaglaban at protektahan" napailing-iling pa sya. "Hindi ka bagay kay Raella dahil masyado kang mahina para sa kanya!"
Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Ang kapal ng mukha nyang magsalita ng ganon. "At sinong bagay sa kanya? Ikaw?" Nagpupuyos sa galit na tanong ko
Tama ako. Hindi ko nga dapat palapitin sa kanya si Ella dahil may gusto rin sya sa babaeng mahal ko. Hindi man kasing amo ng malaanghel nyang mukha ang itsura ko, hindi pa rin ako magpapatalo!
Asul laban sa berdeng mga mata.
Napailing-iling naman sya. Nanlaki ang mga mata ko ng itaas nya ang kanan nyang kamay at itinapat sakin-mali-hindi sakin kundi sa nasa likuran ko.
Kinakabahang napalingon ako sa likod at doon ay nakita ko ang isang canibal na nakadapa sa lupa habang malakas na umuungol. Hirap na hirap syang makabangon na para bang hinihila ito ng gravity para dumikit sa lupa. At sa gulat ko ay biglang sumabog ang katawan nito.
"Kukunin ko sya sayo. Kukunin ko ang dapat na sakin!" Nakangisi nyang ibinaba ang kanan nyang kamay.
Alam ko. Alam ko na nakita nyang kinabahan ako sa ginawa nya kanina. Dahil don ay mas lalong nagpuyos ang nararamdaman ko. Idagdag pa yung sinabi nya. Kaya naman hindi ko na napigilang sugurin sya. Kinuwelyuhan ko sya at naitulak pasandal sa kotse.
"Wala kang karapatan kay Ella!" Nagngangalit ang ngiping usal ko.
Pero imbes na matinag ay nginisihan nya lang ako. Walang anu-anong tinabig nya lang ang kamay ko. May kalakasan iyon kaya mabilis ko din syang nabitawan.
"Kukunin ko ang pinakaimportanteng bagay na meron ka" lumagpas sakin ang tingin nya kaya sinundan ko iyon at ganon na lang ang pagkuyom ng kamao ko ng makita ko na nakatingin sya kay Ella na abala sa pakikipaglaban pa rin don sa kalaban nya kanina.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasy"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...
