CHAPTER EIGHT:

3.7K 84 25
                                        

Naaazzzar ako nong monday ng gv! Dapat talaga nong araw na yun ang UD ko kaya lang sa ka-engutan ko nakalimutan kong i-check yung load ko, ubos na pala kaya hindi ako nakapag-net (>__<)

Tapos nasira pa si lappy kagabi, wala naman akong dalang gamit kagabi kaya ngayon ko lan din naayos :p

Anyway I dedicated this chapter to all my readers and new readers, sa mga girl friend at sissy ko, at sa mga nag-friends sakin dito sa wattpad at fb. Thank you!

@Raella: hihihi may reader ang TNB, sya daw ang nawawala mong anak :p

Pagpasensyahan nyo na po ang chapter na 'to! Sabaw po ang utak ko ng isulat ko 'to :p

Not edited

*******************************

CHAPTER EIGHT:

TINATANGAY-TANGAY ng ihip ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko. Nakadungaw ako sa bukas na bintana ng sasakyang kinalululanan naming dalawa ni Grey.

Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa bahay nina Cecile. Thursday na ngayon at wala kaming pasok dahil nagkaroon ng meeting ang mga professor namin kaya nagdesisyon kami na ngayon na pumunta kina Cecile, tutal wala din naman kaming pasok bukas.

Bale nakabukod kami ng sasakyan ni Grey dahil hindi kami kasyang anim sa iisang kotse. Gusto pa sana ni Yana na sa kotse na lang namin sumabay pero bigla syang hinila ni Maxine pasakay sa gagamitin nilang sasakyan. Sa kanila na din sumabay si Cecile.

Napalingon ako kay Grey ng ginagap nya ang kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya at mabilis akong tiningnan bago muling bumaling sa daan. Sya kasi ang nagmamaneho.

"Oo"

"Sigurado ka ba dito?" muling tanong nya.

Kinapa ko ang nararamdaman ko at tulad pa din ng nakaraang araw ang kung ano ang nakuha kong sagot.

Oo. Sigurado ako.

Naalala ko tuloy ang naging pag-uusap namin sa gubat nong araw na yun.

+++++++++++++++++++++

"AKO si---"

"Raella. Walang hindi nakakakilala sayo dito sa Academy" putol ni Cecile sa pagpapakilala ko.

Napakunot noo ako. Ganon ba ako kasikat si Academy para makilala ako ng lahat.

"Ako naman si Yana" singit ni Yana. "At ikaw si Cecile, di ba?"

Nakangiting tumango naman si Cecile.

Tumikhim si Brandon. "May alam ka bang pagkakaatraso ng mga magulang mo?"

"Simple lang naman ang buhay namin. Parehong chemist sina mama at papa. Mabait ang mga magulang ko para patayin lang sila ngayon" nanginginig na wika ni Cecile.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon