Hahaha sabi ko medyo mahaba yung flashback, nyehehe hindi ko akalain na mahaba pala, hindi medyo kundi mahaba XD
May part three pa po itong Seventeen. Hehehe nahihilo na akong makipagtitigan sa laptop ko XD Bukas ulit, sana matapos ko na yung part three XD
*****************************************
CHAPTER SEVENTEEN (PART TWO):
TAKOT NA TAKOT AKO. Bawat hakbang ko papasok ng palasyo ay napakahirap para sakin. Pakiramdam ko ay may nakataling kadena sa paa ko na may malaking bolang metal. Hirap na hirap akong ihakbang yun sapagkat sobra akong kinakain ng takot sa puso ko.
Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako o kung makakalabas pa ako ng palasyo sa oras na pumasok na ako sa loob. Hindi ko naman gusto ang pumunta dito pero wala na akong magagawa. Tumakas man ako para ko na ding pinadali ang buhay ko.
Dahil ang itinuturing kong pamilya ay walang pagdadalawang isip akong ibinenta para maging feeder. Hindi pa sapat sa kanila ang ginagawa nilang pang-aabuso sakin, ang pagpapahirap at pang-aalipin dahil nagawa pa nila akong ibenta sa kakarampot na halaga.
Oo. Tama. Isa akong Cinderella.
Itinuring ko silang pamilya pero itinuring lang nila akong basura.Namatay ang mga magulang ko nong limang taon pa lang ako kaya napunta ako sa pangangalaga ng kapatid ng mama ko pero dahil ampon lang naman si tita Lucia ng mga magulang nila ni mama, hindi nya ako itinuring ng maganda pati na rin ng mga anak nya. Ginugutom nila ako at sinasaktan. Gustuhin ko mang umalis, hindi ko magawa dahil sila na lang ang mga kamag-anak ko. Wala din naman kasing iba pang kamag-anak si papa.
Akala ko, sagad na ang muntikan nilang pambubugaw sakin noon pero mas matindi pa ang ginawa nila ngayon. Ibenenta nila ako sa palasyo para gawing feeder ng kung sinong bampira. Paano kung mawalan ng kontrol ang bampirang makakakuha sakin at maubos nya ang dugo ko, iyon na marahil ang magiging katapusan ko.
Pero ano ba ang mawawala sakin kung mamatay ako? Wala na akong pamilya. Walang kaibigan. Walang maghahanap at iiyak para sakin. Walang nagmamahal.
'Ito na nga siguro ang kapalaran ko' piping bulong ko
"Ano ba?! Bilisan mo naman!" Tulak sakin nong isa pang bagong feeder.
Lima kaming bagong feeder na dinala dito sa palasyo. Tatlo kaming babae at dalawang lalaki. Lahat sila ay masasabi kong magaganda at gwapo, halatang pinaghandaan nila ang pagpunta dito. Samantalang kupas na t-shirt at pantalon lang ang suot ko, sapagkat ito na ang pinakamaayos kong damit. Hinayaan ko namang nakalugay ang buhok ko sapagkat pinapahirapan lang akong ipusod non dahil alon-alon ang buhok ko. Hindi ako maganda kaya siguradong mapupunta lang ako sa isang mababang opisyal ng palasyo.
"Sorry" mahinang wika ko sa kanya pero inirapan nya lang ako. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Akala ko feeder ang kailangan dito, pati na rin pala katulong" patuyang wika nya. Nagtawanan naman yung tatlo pa naming kasama.
Napayuko na lang ako dahil sa pagkapahiya. Tama naman sya, mas bagay akong katulong.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasia"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...
