CHAPTER SEVEN:

4.1K 92 64
                                    

Yes! I'm back! Did you miss me guys? Hehehe namiss ko kayo! Sobra!

I dedicated this chapter to @foodict. Hahaha natutuwa kasi ako sayo :p

Here I come! Sana magustuhan nyo ang chapter na 'to :)

Not Edited

Love you guys and gals!

*******************************

CHAPTER SEVEN:

TAKOT

Takot na takot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Alam ko naman na may taglay na kakaibang bilis ang mga bampira pero umaasa pa rin ako na makakatakas ako sa kanya. Pero dahil sa kadiliman ng paligid, hindi ko nakita na may nakausling bato at padapang bumagsak ako sa lupa.

Napaangat ang tingin ko ng maramdanan kong may tao sa likod ko at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko sya.

He made a tsk sound twice. "Wag mo ng pahirapan ang sarili mo" nakangisi nyang wika

"W-Wag....please....maawa ka!" Nanginginig na pakiusap ko habang pilit na iniuusod ang sarili ko palayo sa kanya. Gustuhin ko mang tumayo pero di ko magawa dahil kumikirot ang bukong-bukong ko.

Pero tinawanan lang nya ang pagmamakaawa ko. "I will be gentle, kitty"

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko to the point na nahihirapan na akong huminga. Sumugod na sya sakin na tanging ang ginawa ko na lang ay basagin ang katahimikan ng gabi sa natatakot na sigaw ko.

"Wag!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. 

Bigla syang tumawa na parang baliw. Akala ko ay susugurin na nya ako para patayin o gawan ng masama pero bigla syang huminto ilang dangkal mula sakin.

"Boo!" Pananakot nya at muling tumawa.

Aliw na aliw sya sa nakikita nyang pagkatakot sa mukha ko. Gusto ko syang sigawan dahil pinaglalaruan nya ang takot na nararamdaman ko. Pero hindi ko yun magawa dahil parang tinakasan na ako ng sarili kong lakas.

Heto ako. Nakasampak sa lupa habang nanginginig samantalang sya ay tawa pa rin ng tawa. "Nakakatawa talaga kayong mga tao! Mga walang kwenta! Pero dahil pinatawa mo ako, bibigyan pa kita ng tyansang makatakas. Pagbibigyan kita ng pagkakataon na makatakbo palayo sakin. Subalit!" Itinaas nya ang hintuturo nya upang ipagdiinan ang susunod nyang sasabihin. "...kapag naabutan ulit kita...iyon na ang katapusan ng laro natin" ngumiti pa sya ng malademonyong ngiti.

"B-Bakit kailangan mo pang patagalin? Bakit hindi mo na lang ako patayin?" Galit na sigaw ko

Bakit hindi na lang nya ako patayin gayong don din naman ako mapupunta? Gusto pa nyang paglaruan ang takot na ngumangatngat sa puso ko.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon