CHAPTER THIRTEEN (part one):

2.4K 63 8
                                    

Ok. Alam kong bitin pero tulad ng title, part one pa lang 'to. Mamaya o bukas na lang yung part two, may emergency lang akong kailangang gawin mga #bebe :)

'Wattpad is my haven but it is not my world. Wattpad is my escape from reality but Reality is still my home' bow. Thank you :)

P.S mayroon pala akong ginawang Group. Search nyo mga #bebe GraceCallos Official Group o kaya visit kayo sa profile ko, nandon yung link. Kapag naging 100 na tayo don mga #bebe, nyahaha magpapa-game na ako :)

Not edited

*******************************

CHAPTER THIRTEEN (part one):

NAGUGULUHANG BUMALIK ako sa kwarto ko dala ang litratong nakuha ko mula sa libriary. Nahahapo akong naupo sa kama ko at muli kong pinagmasdan yung litrato.

Ito ba si Josephine?

Pero bakit ganito ang nakasulat sa likod nong picture?

Parang sya lang ang nagmamahal kay Lord David samantalang ang pagkakaalam ko ay minahal ni David si Josephine at ganon din si Josephine sa kanya. Ibig bang sabihin ay may ibang babae ang nagkaroon ng koneksyon sa kanya?

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa kakaisip. Sumasakit na ang ulo ko. Kailangan ko munang magpahangin sa labas para kahit papaano ay makapag-isip-isip ako ng maayos.

Pahinamad akong pumasok sa walk-in closet ko. Napailing ako ng buksan ko yun dahil halos ganito din ang itsura ng walk-in closet ko sa mansion. Malaki na parang kasing laki na ng halos isang malaking kwarto, napakarangya at bawat damit ay mamahalin. Mukhang talagang pinaghandaan nila ang pagtuloy ko dito sa palasyo ng dalawang araw.

Hindi na ako pumili pa basta dinampot ko na lang yung jacket at isinuot. Lumabas na ako ng kwarto at inilagay ko sa bulsa ng jacket na suot ko ang litratong hindi ko mabitaw-bitawan. Wala namang nakapansin sakin ng lumabas ako papuntang garden.

Malamig na simoy ng panggabing hangin ang sumalubong sakin sa labas. Ramdam na ramdam ko na sa hangin ang papalapit na taglamig. Malapit na ang winter.

Naupo ako sa isang bench at bahagyang tumingala sa langit. Bilog na bilog at maliwanag ang buwan, ang dami ding mga star. Umihip ang hangin kaya hinapit ko ang suot kong jacket dahil sa lamig.

Bawat araw na dumaraan, pakomplekado ng pakomplekado ang mga nangyayari sa buhay ko. Dati, noong bata pa ako, ang simple lang ng buhay ko pero matapos ng pagkamatay ng mga magulang ko, nagsimula na don ang kakomplekaduhan sa buhay ko. Ang dami-dami kong kailangang isipin. Ang dami kong kailangang harapin at sa bawat oras ay kailangan kong maging alisto para sa kaligtasan ko at pati na rin ng mga mahal ko ngayon.

Ngayong alam ko na meron akong lakas para protektahan ang mga mahal ko, gagawin ko ang lahat para protektahan sila.

Itinapat ko sa dibdib ko ang kanang kamay ko. Sa ilalim ng palad ko ay nararamdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Panatag lang tibok, pero hindi ko pwedeng pagkatiwalaan ang lahat ng nararamdaman ko. Dahil may ilang emosyon ang nakatanim sa pagkatao ko na hindi totoo.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon