CHAPTER FOUR:

3.8K 92 10
                                    

Hello! Hello! Sarreh, late yung dedication sa last chapter. Pero love love love you girl for all the support :)

*******************************

CHAPTER FOUR:

POSSIBLE kaya?

Dinampot ko yung ballpen ko at kinuha ko yung notebook ko dahil malakas talaga ang pakiramdam ko na may ibig sabihin ang nakasulat sa maliit na papel na yun.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Brandon

Nagkibit balikat ako at tinitigang mabuti yung mga numbers at letters. Kung ang pakiramdam ko ay may gustong sabihin sakin ang mga nakasulat sa papel na 'to dapat mabuo ang mga nakasulat na 'to sa salita.

Ang mga number ba na nasa taas ang correponding letter ng nasa baba? Pero sumusuma total ang number sa labing lima samantalang labing apat lang yung letters. Hindi equation yung mga number kaya ibig sabihin mag-co-corresponding sya sa letter.

Isinulat ko yung number ng pahaba, tinanggal ko yung division sign. Sa alphabetical, ang number two ay letter B. Sinimulan ko ng isulat yung mga corresponding letter nong mga number hanggang sa lumabas ang...

BNZSWVGHRNTXMRB

Hindi pa rin!

Ni walang lumabas na vowel letter.

"Raella, baka naman talagang walang ibig sabihin ang nasa papel na yan" wika ni Yana ng makita nya ang kinalabasan ng isinulat ko

Umiling ako dahil iba ang pakiramdam ko. "Ewan ko pero malakas ang kutob ko na merong ibig sabihin ang nakasulat dito" sagot ko at muli kong tinitigan yung papel

"Patingin nga" kinuha sakin ni Grey yung papel.

"Kung meron ngang ibig sabihin yung nakasulat, bakit pa nya kailangang gawing hidden message? Kung meron syang gustong sabihin, hindi na dapat nya ginawang komplekado yung pagkakasulat" wika naman ni Maxine

Kung tutuusin may punto sya sa sinabi nyang yun. Kung ako yung sumulat at may gusto akong sabihin sa ibang tao, hindi ko na gagawing komplekado ang lahat. Unless...

Napatingin ako don sa papel na hawak ni Grey, nakatapat sakin yung likod non dahil nakaupo si Grey sa harap ko. Nakita kong nakabaliktad yung salitang solve, yung kapag kumuha ka ng salamin ang mauunang letter ay letter E imbes na S.

Tiningnan ko yung salitang solve at kapag binaliktad ko yung papel pataas kung saan kapag napatalikod na yung side nong papel kung saan nakasulat yung salitang solve, ang kalalabasan na nong salita ay EVLOS, dahil kapag ganon ang pag-flip sa papel, maayos mo pa ring mababasa yung nakasulat na mga numbers at letters sa kabilang side naman. 

Teka...

Baliktad?

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon