CHAPTER NINETEEN:

2.6K 80 24
                                        

Ok, first off all, I want to say, I'm sorry dahil ang tagal kong nawala. Dapat i-po-post ko din po dito sa wattpad yung dahilan ng pagkawala ko pero hehe nawalan ako ng internet connection noon kaya sa fb group lang ako nakapagpaalam.


Sobrang limited na lang po ang oras ko para makapagsulat kaya po matagal na akong makakapag-UD. I know na naiintindihan nyo ako kaya super love love love love ko kayo mga bebe ko. I love you and I miss you, guys XD


Salamat po sa pang-unawa :)


Hehehe para po sa mga gustong makibalita sakin, you can txt me, mga bebe ko. 09205035976 .. nyahaha tumatanggap po ako kahit alltxt 10 XD LOL


*******************************


CHAPTER NINETEEN:


PARANG MAAMONG tupa na lumingon sila sakin na para bang hindi ko nakita na halos patayin na nila ang bawat isa sa sama ng tinging ibinibigay nila sa isa't-isa.


"Anong ginagawa nyo?" Kunot noong tanong ko


Mabilis na lumapit sakin si Grey at hinalikan ako sa labi sa harap nilang dalawa na para bang sinasabi na sa kanya lang ako. Ipinulupot din nya ang isang braso nya sa bewang ko.


'Possessive talaga kahit kailan' bulong ko sa sarili ko


"Raella, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Hitler


Sa bilis ng mga pangyayari kahapon at sa pagod ko ay hindi ko na sya namalayan pa. Nawala na sa isip ko si Hiter, mabuti na lang at mukhang inasikaso sya ng mga Von Ashford.


"Maayos na ako. Magaan na ulit ang pakiramdam ko. Ikaw kumusta ka na?" Nag-aalalang tanong ko


Kahapon lang namatay ang kapatid nya kaya alam ko na nagluluksa pa rin sya sa pagkamatay ng kapatid nya.


Biglang lumamlam ang mga mata nya. Bakas na bakas doon ang lungkot at sakit.


"Sinusubukan kong maging maayos. At alam ko na magiging maayos din ako dahil nandyan ka" binigyan nya ako ng maliit na ngiti.


Biglang humigpit ang pagkakakapit ni Grey sa bewang ko. Binalingan ko sya at tulad ng inaasahan ay makulimlim ang mukha nya. Alam ko na nagseselos sya. Tinanggal ko ang kamay nya sa bewang ko at nakita ko na may gumuhit na sakit sa mga mata nya. Kaya naman mabilis kong hinawakan ang kamay nya ng mahigpit. Ayoko syang bigyan ng dahilan para magselos kaya hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kamay nya. Dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko sya bibitawan. Kaagad namang umaliwas ang mukha nya dahil sa ginawa ko.


Nginitian ko na lang si Hitler para doon sa sinabi nya. Bumaling ako kay Angel na mataman na nakatitig sakin. Ang amo ng mukha nya, sa sobrang amo ay para bang nakakatakot gumawa ng masama laban sa kanya. Pero yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya ay naandon pa rin.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko


TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon