Ehem..ehem...waahhh birthday ko na next friday! Para po sa mga willing na magpadala ng kanilang mga regalo hahaha tumatanggap na po ako :p
@Katrinabie: bebe gaya ng promise ko sayo, para sayo ang chapter na 'to. Salamat po sa pagsuporta :)
CLUE: Kung anuman ang nasa isip o hula nyo, pwede yung tama o pwede ding hehehe mali :p
*****************************************************************************
CHAPTER TEN:
ITO NA BA ang iniiwasan ko?
Nasa harap ko na ang bagay na pilit kong itinatanggi sa isipan at puso ko. Paano ko 'to haharapin gayong ang taong gusto kong hawakan ang kamay para humingi ng suporta ay binibigyan ako ng malamig na tingin?
Grey
Gusto ko syang lapitan pero parang nadikit na sa inuupuan ko ang buong katawan ko dahil hindi ako makagalaw.
Lahat kami ay nandito sa cabin pagkatapos ng nangyari sa gubat. Dito kami dumiretsyo at kasalukuyan kaming nandito sa sala.
Kung pwede lang akong matunaw, baka kanina pa ako nakakalat sa sahig dahil sa pagkatunaw. Paano ba naman ay para akong isang kakaibang bagay sa sobrang intensidad ng pagkakatitig sakin ng mga kasama ko. At sa totoo lang ay hindi ko gusto ang tinging ibinibigay nila.
Ang isa pang nakakapagpatensyon sakin ay ang matiim na pagkakatitig sakin ni Grey kaya nga hanggat maaari ay iniiiwas ko din ang tingin ko sa kanya.
"Allena" bigkas ng reyna kaya napatingin ako sa kanya. "Anak ko" hinaplos nya ang pisngi ko. Magkatabi kasi kami ng inuupuan.
Pigil ko ang pagsinghap dahil sa pagpintig ng puso ko. Kakaiba iyon. At tila kay sarap sa pandinig ko ang pagtawag nya sakin ng anak. Ramdam na ramdam ko ang malakas na koneksyon sa kanilang dalawa ng hari. Para akong sasabog sa nararamdaman ko ngayon.
Tumikhim ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. "Pasensya na po pero nagkakamali kayo. Hindi po ako ang anak nyo. Hindi po ako ang prinsesa" tanggi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
Aaminin ko na naisip ko na din ang bagay na yun lalo na nong magkausap kami ni Grey sa talon. Naisip ko na din ang possibilidad na anak ako ng reyna pero may dalawang bagay na pumipigil o nagpapagulo sa isipan ko para isipin yun.
Una ay ang kakaiba ko ding nararamdaman para kay Lord David. Maaari bang maging magulang ko din sya? Kaya lang sa pagkakaalam ko ay wala naman syang pamilya. Kung ganon, bakit ganon ang pakiramdam ko sa kanya? Pangalawa ay si Grey. Pakiramdam ko ay may magbabago samin oras na tanggapin ko ang katotohanang bahagi ako ng pamilya nya. At base sa nakikita kong kalamigan sa mga mata nya, nararamdaman ko na ang pagdistansya nya sakin.
"Hindi!" Wika nya na may kasama pangpag-iling. "Alam ko na ikaw si Allena dahil nararamdaman ko yun dito" hinawakan nya ang kanan kong kamay at dinala yun tapat ng puso nya. "Sinasabi ng puso ko na ikaw ang nawawala kong anak" hinaplos naman ng isa pa nyang kamay ang pisngi ko.
Parang nababasag ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Malinaw kong nakikita don kung gaano na sya nangungulila sa anak nya. At nasasaktan akong makita syang ganito.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantastik"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...