CHAPTER SEVENTEEN (PART THREE):

3.2K 67 22
                                    

Hello to @BeyondLimitations. Dedicated po sa kanya ang chapter na 'to. Thank you po sa very inspirational message :)

Thank you din kay Jowan Kitt Avelong dahil sya ang reason kung bakit nakapag-net ako ngayon. Hahaha salamat bhe :)

Busy ako bukas. Huhuhu goodluck na lang sakin sa pagpila sa napakahabang pila sa SSS bukas. Anong oras kaya kami matatapos? Papunta pa akong red cross para kunin yung certificate at I.D ko. Grabe! Goodluck talaga sakin :(

*******************************

CHAPTER SEVENTEEN (PART THREE):

DALA-DALA ANG MALAMIG NA TUBIG, naglakad ako pabalik sa kwarto ko matapos kong makipagkwentuhan kay Christopher. Pero sa pagtatapos ng pagkukwentuhan namin, dala-dala ko ang huling sinabi nya.

Walang sinuman ang pwedeng humusga sa kapwa nya hanggat hindi mo alam ang kwento ng buhay nya.

Napabuntong hininga ako. Nakakabaliw palang makipag-usap sa mga bampira. May mga bagay ka na lang ma-re-realize sa sarili mo dahil sa kanila.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pero dagli din akong natigilan ng makarinig ako ng mga impit na ungol. Isang ungol na parang nasasaktan. Bigla akong nangilabot.

Gabi at madilim.

Nagkataon pang madilim din dito sa pwesto ko kaya hindi ko maiwasang di pangilabutan. May mga ligaw bang kaluluwa dito sa palasyo? Mga kaluluwa ng mga feeder na namatay? Wala sa loob na hinaplos ko kaliwang braso ko. Napalunok din ako dahil nagsisimula na akong makaramdam ng takot.

Dyos ko!

Hindi na ako natatakot mamatay pero ang pagpakitaan o pagparamdaman ng mga kaluluwa ay iba pa rin pala ang epekto. Pero dala marahil ng kuryusidad, hinanap ko pa rin kung saan nagmula yung ungol na naririnig ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway pero natigilan ako sa tapat ng isang kwarto dahil doon ko naririnig yung ungol. Inilapat ko ang tenga ko doon. Nasa loob nga nanggagaling yung ungol.

Ungol ng isang lalaki!

Bahagya akong lumayo para pagmasdan yung pinto at di ko inaasahan na yung kwartong naririnigan ko ng pag-ungol ay kwarto ni Lord David.

Hindi kaya...

Walang pag-aalinlangan kong binuksan yung pintuan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakita na lalaking pinapatay o inuubos ang dugo pero ang ginhawang naramdaman ko ay kaagad napalitan ng sobrang pag-aalala dahil mukhang binabangungot si Lord David. Kahit tulog sya ay kapit-kapit nya ang kanyang dibdib na para bang napakahirap sa kanyang huminga.

Dali-dali akong lumapit sa kanya. Ibinaba ko muna sa bed side table yung dala kong tubig.

"Lord David!" Niyugyog ko sya sa balikat. "Lord David, gising!" Bahagya ko syang tinampal-tampal sa pisngi nya pero hindi pa rin sya nagigising at patuloy pa rin sya sa pag-ungol. "Lord David! Gising!" Nag-aalala kong sigaw sa kanya.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon