Hehehe sarreh ngayon lang nakapag-UD! Tinamaan ako ng sakit na katam....katamaran hohoho di bale lahat naman tayo nakakaranas nyan XD
Not edited :p
*******************************
CHAPTER THREE:
Mabilis akong hinila ni Yana sa c.r, hindi ko na din alam kung saan nagpunta si Prince Grey dahil halos kaladkarin na nya ako matapos ng nangyari sa field.
"Dapat hindi mo na ginawa yun" wika nya agad pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng c.r "Hindi mo na dapat pinakialamanan si Luis"
Napakunot noo ako dahil sa sinabi nyang yun. Sinasabi ba nyang dapat ay nagbulag-bulagan na lang ako kanina at hindi pinansin yung dapat na masamang mangyayari kay Prince Grey.
"Hindi ko alam na masama na palang tumulong ngayon" malamig na wika ko bago sya tinalikuran.
Oo. Sinabi ko na hindi ko gusto ang prinsipe pero hindi rin naman maaatim ng loob ko na hayaan syang tamaan nong bola. Base sa nakita kong bilis nong soccer ball, siguradong malakas yun, dahilan para ma-ospital o madala sa clinic ang kung sinumang tatamaan non. Hindi ko akalaing uso pala talaga ang bullying, hindi lang sa mga nababasa kong libro at mga napapanood.
"T-Teka! Sandali! Hindi yun ang ibig kong sabihin" agap nya. Mabilis nyang nahawakan ang braso ko kaya napatigil ako sa paghakbang at napalingon ako sa kanya. "Hindi mo pa kasi kilala si Luis. Sya yung klase ng bampira na pasaway. Wala syang pakialam kung sinong i-bully nya, ayoko lang namang napahamak ka" mabilis na wika nya na parang ayaw nya akong magalit sa kanya
Ganon ba nya kagustong maging kaibigan ko at ayaw nyang magalit ako sa kanya? Ang mabilis nyang magsalita para ipaliwanag ang sarili nya sakin.
Bumuntong hininga ako. "Naiintindihan ko" maikling sagot ko. "Your treating me as friend kaya nag-aalala ka para sakin. Pero kahit na ayo---" natigil ako sa sasabihin ko dahil gusto ko sanang sabihin na kahit ayoko sa mga bampira pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kitang-kita ko sa mukha nya na gusto talaga nya akong maging kaibigan. "---Ang ibig kong sabihin, kahit ganito ako makitungo, ayoko na may inaapi. Saka, kaya ko naman ang sarili ko" wika ko
"Ikaw ang kauna-unahan kong naging kaibigan na tao kaya ayokong mapahamak ka. Sa tuwing nakikipagkaibigan ako sa mga tao, natatakot sila sakin dahil sa kung ano ako, hindi ko rin naman masisisi ang mga tao kung takot pa rin kayong magtiwala samin kahit pa na gumawa na ng kasunduan sa dalawang lahi. Mga halimaw kami sa inyong paningin. Mamamatay tao. Pero tulad nyo, may nararamdaman din kami. Natutuwa. Nasasaktan. Nagmamahal. Ikaw yung unang tao na nilapitan ko na hindi ako itinaboy" napangiti sya. "Ramdam ko na hindi ka komportable sakin pero hindi mo tinanggihan ang pakikipagkaibigan ko..." nagkibit balikat sya. "...although hindi mo rin sya tinanggap pero hindi mo ako itinaboy at higit sa lahat, hindi ko nakikitaan ng takot ang mga mata mo kapag tumitingin ka sakin na nangangahulugan para sakin na hindi mo ako itinuturing na isang halimaw kahit na isa nga akong halimaw. Kaya naman nangako ako sa sarili ko na poprotektahan kita bilang kaibigan mo" mahabang wika nya na diretsyong nakatingin sa mata ko
Nagulat ako sa sinabi nyang yun. Hindi ko akalain na ganon ang tingin nya sakin, na ganon ang nararamdaman nya. Hindi ko akalain na magiging vocal sya sa nararamdaman nya kahit pa na halos padalawang araw ko pa lang syang nakakasama. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt dahil sa mga sinabi nyang yun.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantastik"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...