SA ILALIM NG BILOG na buwan, ang lahat ay nagkakagulo. Tao man o bampira. Umaalingawngaw ang nakakakilabot na ungol ng mga canibus. Nagwawala sila at sinisira ang lahat na kanilang makikita, sinasaktan ang kahit na sinong malapit sa kanila. Habang ang mga rebeldeng bampira ay walang humpay sa pagsugod sa mga tao. Walang pakundangan nilang inuubos ang dugo ng kanilang biktima. Ngunit ang ilan ay napipigilan ng mga kawal ng palasyo.
Ito ang gabi na madidiligan ng dugo ang lupa.
Kakapasok palang namin sa bayan ay kitang-kita agad ang pagkakagulo ng mga tao at ilang bampira dahil sa paglusob ng mga rebeldeng bampira at mga canibus. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may isang matandang lalaki ang sasakmalin ng isang canibus. Ngunit bago pa ako makakilos ay may banging ang pumulupot sa katawan ng canibus na iyon at tumusok sa katawan nito ang dulo nong banging na syang kaagad na ikinamatay nong halimaw. Napalingon ako kay mama na nakaturo ang kanang kamay sa direksyon nong halimaw. Kaagad na bumangon yung matandang lalaki bago takot na takot na tumakbo palayo.
"Shit! Hindi lang mga kalaban ang nagkalat sa bayan dahil maging canibus din!" nababahalang wika ni tito Psyche.
"Sa tingin ko ay may isa sa kanila ang may abilidad ng Manipulaton kaya nakokontrol nila ang mga halimaw na yun katulad ni William" seryosong wika ni tito Damon.
"Kailangang mailikas agad ang mga tao palabas ng bayan" tiim bagang na wika ni papa.
"Bilisan na natin" seryosong wika ni mama.
Bigla akong nangilabot sa paraan ng pagkakabitaw ni mama sa tatlong salita na yun. Alam ko, sa aming lahat, sya ang higit na may pagnanais na makaharap si Eliah para sa ginawa nitong pagdukot kay Allena. Sa laban na mangyayari ngayong gabi, makikita ko ang LIght na makikipaglaban na may galit sa kanyang puso.
Muli kaming tumakbo ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay bigla akong natigilan.
'Raella'
Akala ko ay guni-guni ko lang ang boses na yun sa isipan ko ngunit muling naulit ang pagtawag na yun.
'Raella'
Napatigil ako sa pagtakbo at napalingon sa paligid ko. Hindi naman napansin ng mga kasama ko na hindi na ako nakasunod sa kanila, dahil bukod sa ako ang nahuhuli sa pagtakbo dahil baguhan palang ako sa pagtuklas sa kakayahan ko, masyado ding malalim ang iniisip nilang lahat.
'Raella'
Bumaling ako sa kanan at tumako sa direksyon ng papunt sa gubat. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang nararating ko pero habang tumatagal palapit ng palapit ang boses na naririnig ko. Ngunit sa paglagpas ko sa isang malaking puno, may isang malaking canibus ang biglang lumabas. Bigla akong napaatras at nakahanda na sana akong lumaban kung sakali na sumugod sya sakin. Pero nagtaka ako ng ilang minuto na ang lumipas ng hindi man lang sya gumagalaw at nakatingin lang sakin.
"Wala syang balak na patayin ka" wika ng malaanghel na boses mula sa kanan ko kaya napalingon ako sa gawing iyon.
"Angel!" bulalas ko ng makita ko syang kampanteng nakaupo sa nakatumbang katawan ng puno.
Dahan-dahan na lumapit sa kanya yung canibus. Naging alerto ako ngunit sya ay hindi natinag sa kanyang pagkakaupo kahit na may halimaw na lumalapit sa kanya. Nagtaka pa ako ng walang anu-ano'y humiga yung canibus sa paanan ni Angel habang nakaharap sakin na tila isang leon na nagbabantay sa kanyang hari.
Tila napansin nya ang pagtataka sa mukha ko. "Kaya kong paamuhin ang mga nilalang sa paligid ko" itinaas nya ang isa nyang paa sa punong kanyang inuupuan sabay patong ng kanyang braso sa tuhod ng itinaas nyang paa.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasia"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...
