Hi everyone! Sorry kung naging super tagal ng naging UD ko na to. Sobrang busy lang sa work, madami kasing ginagawa eh. Pero thankful pa rin ako dahil nandyan pa rin kayo at nakasubaybay. I love you, guys :)
------------------------------------------------
CHAPTER TWENTY:
SUMIMSIM AKO NG DUGO sa kopitang hawak ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang buong paligid ay napapalibutan ng kadiliman na syang lumalarawan sa galit na nararamdaman ko ngayon. Galit na hindi mawawala kung hindi ko maipaghihiganti ang pagkawala ng babaeng mahal ko.
'Shiela' bulong ng isipan ko.
Sa pagkaalala ko sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili ko at nabasag ang kopitang hawak ko sa pagkakadiin ng pagkapit ko. Tumulo ang dugo sa mga kamay ko ngunit hindi ko iyon ininda. Tumiim ang mga bagang ko. Sisiguraduhin ko na magbabayad ang Raella na yun sa ginawa nyang pagpatay kay Shiela!
"Eliah?" tawag pansin sakin ni Eric na kapapasok lang sa kwartong kinaroroonan ko ngayon.
"Anong balita?" seryoso kong tanong.
"Ginawa na nilang converted vampire ang prinsipe. Iyon lang ang nakuhang impormasyon ng tauhan natin sa loob ng palasyo dahil nag-iingat na ang mga Von Ashford" wika nya.
Kinuha ko ang puting panyo sa bulsa ng suot kong pantalon at ipinunas sa kamay kong may dugo.
"Huli na para mag-ingat sila dahil sisiguraduhin kong mamamatay silang lahat lalong-lalo na ang Raella na yun!" galit kong wika
"Kung ganon, gagawin na ba natin ang napagplanuhan?" tanong nya.
Malademonyo akong ngumiti. "Oo. Kukunin ko sa babaeng yun ang lahat ng meron sya! Isang buhay kapalit ng lahat ng buhay na pinapahalagahan nya!"
Nakakaunawang tumango sya bago umalis. Muli akong tumanaw sa labas ng bintana. At doon, ang pula kong mga mata ay nakipagtitigan sa bilog na buwan.
MAHIGPIT KONG HINAWAKAN ang kamay ni Grey na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nag-aalala na ako dahil tatlong araw na ang nakakalipas simula ng baguhin ko sya pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang malay.Ang isang taong binago para gawing bampira ay normal na nagigising, isang araw pagkatapos nyang baguhin pero si Grey ay tatlong araw na ang nakakalipas. At hindi ko maiwasang hindi mag-alala kahit sinabi na sakin nina mama na wala akong dapat na ipag-alala dahil magiging maayos din si Grey.
"Grey, hanggang kailan ka matutulog?" inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya. "Bumalik ka na sakin, please!" naluluhang wika ko.
Para akong mababaliw sa kakaisip kung kailan sya magigising. At sa tuwing naiisip ko na ako ang dahilan kung bakit sya ganito, parang pinipiga ang puso ko. Idinikit ko ang noo ko sa noo nya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya.
"Magtiwal ka lang sa kanya" napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni mama. Naluluhang tumingin ako sa kanya. "Ang pagmamahal nya sayo ang magiging daan nya pabalik sayo" umuwi sya sa kabilang upuan at hinaplos ang buhok ng anak. Buong pagmamahal nyang tiningnan si Grey.
"Sana nga mama. Sana makabalik na sya"
"Babalik sya, magtiwala ka lang" binigyan nya ako ng isang ngiti na nakapagpagaan kahit paano sa loob ko.
Maswerte na rin ako dahil kahit wala na ang tunay kong mga magulang, nandyan pa rin sina mama. Tinanggap nila ako kahit anak ako ng lalaking nagpahirap sa buhay nila noon. Itinuring na para nilang sariling anak. Kung naging anak siguro talaga nila ako ni papa, maswerte ako kung nagkataon pero masasabi ko na maswerte na rin ako ngayon dahil anak pa rin ang turing nila sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
TVG 2: The Newborn
Fantasy"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa...