CHAPTER FIVE:

3.5K 95 48
                                        

Thank you! Thank you poh sa lahat ng support sa lahat ng story ko! :)

*******************************

CHAPTER FIVE:

NGAYON ko lang napagtanto na hindi sya isang rebulto. Siguro nga, parang sa isang rebulto ang reaksyon ng mukha nya ngunit sa loob-loob nya, mabuti syang tao.

"Salamat" buong senseridad kong wika at umayos na ako ng upo. Ibinaba ko na ang paa ko.

"Para saan?" Kunot noo nyang tanong

"Dahil pinotrektahan mo ako kanina at kahit na hindi maganda ang pakikitungo ko sayo nong una, pinagaan mo ang loob ko ngayon. Mas lumawak ang pang-unawa ko. Hindi ka pala estatwa" sagot ko na may bahagyang pagtawa.

Bigla syang natigilan habang nakatingin sakin. "Bagay pala sayo ang tumatawa. Lalo kang gumaganda" parang wala sa sariling wika nya.

Hindi na iba sakin ang masabihang maganda pero ngayong sa kanya mismo nanggaling ang salitang yun, iba ang naging hatid non sakin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Parang ikaw kapag ngumingiti. Nagkakaroon ka ng buhay. Hindi ka nagmumukang rebulto" napangiti ako ng maalala ko ang unang beses na makita ko syang ngumiti.

"Pangalawang beses mo ng sinasabi na para akong rebulto. Ganon ba talaga ang tingin mo sakin?" Tanong nya.

"Unang beses kasi na nakita kita sa personal, napakaseryoso mo, walang reaksyon, walang emosyon na parang sa isang estatwa. Pero napagtanto ko na isa kang rebulto na may emosyon. Isa kang mabuting tao" wika ko

Umayos sya ng upo at sumandal sa inuupuan namin. "Nagpapakita lang ako ng emosyon sa mga tao o bampira na komportable akong kasama"

"Ibig sabihin, komportable ka sakin?" Paninigurado ko

"Oo. Kahit na parang ang sungit mo sakin nong una" sagot nya

Nagkibit balikat ako. "Aaminin ko, hindi ko gusto ang mga bampira at dahil ampon ka ng isang bampira, medyo nadamay ka sa pagiging malamig ko" totoong sagot ko

"Pero meron ka ng mga kaibigan na bampira ngayon" wika nya

"Sabihin na lang natin na parang ganon na nga. Wala naman talaga akong balak makipagkaibigan sa mga bampira pero....makulit si Yana. Hindi nya ako tinigilan hanggat hindi ko tinatanggap ang pakikipagkaibigan nya. Sina Maxine at Brandon naman, sa tingin ko ay pwede ko silang pagkatiwalaan, kahit hindi ko din sila pinapansin nong una, pinotrektahan pa rin nila ako" sagot ko.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pareho tayong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa mga bampira, ang kaibahan lang, sinuwerte ako dahil may nag-aruga sakin. Noong una, takot din ako kina Brandon pero pinatunayan naman nila na karapat-dapat silang pagkatiwalaan. Sa nakalipas na mga taon, naging mabuti silang mga kaibigan sakin" ramdam ko sa boses nya ang fondness para sa dalawang bampira na itinuturing nyang mga kaibigan. Nakatingin sya sa fountain ng sabihin nya yun samantalang nakatingin naman ako sa kanya kaya kitang-kita ko ang gumuhit na ngiti sa labi nya. "Bigyan mo ng pagkakataon ang ibang bampira para patunayan ang sarili nila"

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon