CHAPTER SIXTEEN:

2.5K 59 26
                                    

I'm tired :3

Sorry kung sabaw ang UD na 'to. Sa pagod ko, iyon lang ang kinaya ng utak kong gawing code :3

Love Love Love you mga, #bebe :D

*******************************

CHAPTER SIXTEEN:

NAIWAN AKONG NAKATAYO at tulala. Nakasunod lang ang tingin ko kay Grey hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

"Raella" napabaling ang tingin ko sa likuran ng tawagin ni Angel ang pangalan ko.

Nakatayo na sya at parang di nasuntok. Pero anong aasahan ko samantalang isang bampira si Angel kaya kompara sa lakas ni Grey, wala lang ang naging suntok nya.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Gusto ko mang habulin si Grey pero mahirap na sabayan ko pa ang galit nya. Baka may masabi lang sya na pagsisihan nya sa huli. Susundan ko rin naman sya mamaya, papalamigin ko lang ng kaunti ang ulo nya.

Hinawakan nya ang panga nya. "Ito ba? Ayos lang naman. Hindi naman nya nabawasan ang kagwapuhan ko" at ngumiti pa sya sakin.

"Hindi ko akalain na ang mala-anghel mong mukha ay nagtatago din ng kayabangan" naiiling na sagot ko

"Ganon ba sya magselos?" Tanong nya

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Pasensya ka na sa ginawa nya" imbes ay sabi ko. "Salamat sa pagdalaw...ahm...magkita na lang tayo sa school?" Tanong ko na di direktang pinapaaalis sya.

Pero mukhang marunong makiramdam. "Sige. Mauuna na ako" paalam nya rin.

"Mag-iingat ka" paalam ko

Pagkaalis ni Angel ay kaagad ko namang hinanap si Grey. Pero nakapunta na ako sa kwarto nya, sa mga lugar na pinupuntahan namin dito sa loob ng palasyo, halos na libot ko na nga ang buong palasyo sa paghahanap sa kanya pero hindi ko pa din sya makita.

"Hinahanap mo ba si Grey?" Tanong sakin ng reyna ng makasalubong ko sya sa hallway.

"Opo" simpleng sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may di kami pagkakaunawaan ni Grey.

Nginitian naman nya ako na parang nauunawaan na ang nangyari. "Makikita mo sya kung saan kaisa ka ng hangin" makahulugan nyang sagot bago ako iniwan.

Kung saan kaisa ko ang hangin?

Saang bahagi yun ng palasyo?

Gusto ko sanang habulin ang reyna para direkta syang tanungin pero mabilis syang nawala sa paningin ko. Kaya naglakad na lang ako palabas ng palasyo habang iniisip kung saan ko pwedeng hanapin si Grey.

Kapag naaalala ko kung gaano kalamig ang mga mata nya kanina, pinanayuan ako ng balahibo sa katawan. Nakita ko na dati kung paano sya magselos kay David pero sa pagkakataon 'to, mas malala ang pagseselos nya.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon