CHAPTER TWELVE:

3.4K 77 24
                                    

Not edited :)

**********************************************************************************

CHAPTER TWELVE:

KANINA PA ako hindi mapakali. Kung pwede lang makasunog ang matalim na titig baka kanina pa ako naging abo. Dahil kahit na nakatingin ako kay Miss Sheina, our professor for today, nararamdaman ko pa rin ang matalim na titig sakin ni Grey mula sa likuran.

Matapos kasi ng nangyari sa may hagdanan, mabilis akong hinila ni Grey, ni hindi ko na nga ako nakapagpasalamat don sa lalaki na may berdeng mga mata.

Green eyes

Hindi ko alam pero napakislot ang puso ko sa pagkaalala ko sa lalaking yun. Parang merong kakaiba sa kanya para makaramdam ako ng kakaiba. Yung feeling na tumigil ang ikot ng mundo ko dahil lang sa pagtatama ng mga mata namin. Kakaiba yun.

Gusto kong malaman kung sino sya pero tulad nga ng sinabi ko, mabilis akong hinila ni Grey palayo don sa lalaki. Pero hindi rin naman ako kinakausap ni Grey simula ng hilahin nya ako at pumasok kami sa classroom namin.

"Miss Crawford? Nakikinig ka ba?" Pukaw ni Miss Sheina sakin

Napaayos ako ng upo ng tawagin nya ang pangalan ko. Napansin ko na nakatingin na sakin ang lahat ng mga kaklase ko.

"I'm sorry" hinging paumanhin ko.

Napailing naman sya. "Uulitin ko, si Queen Elizabeth ay isa sa itinuturing na pinakamagaling na namuno sa kasaysayan ng Royalty, makakapagbigay ka ba ng isa sa mga quote nya?"

Tumango naman ako at inalala ko ang paborito kong quote ni Queen Elizabeth bago yun ni-recite. "I know I have the body of a weak and feedle woman, but I have the heart and stomach of a king, and of a king of England, too. Ibig sabihin, kahit na isa syang babae at ang tingin ng nakakarami ay isang mahina, kaya pa rin nyang pamunuan ang milyun-milyong tao na nasasakupan nya na parang isang hari. Kaya nyang maging matapang na parang isang kabalyero. Kaya nyang magpataw ng parusa sa mga nagkakasala. Kaya nyang ipaglaban ang bansa nya hanggang kamatayan. Pinatunayan nya na kahit ang isang babae ay kayang maging malakas para sa mga mahal nya at para sa mga taong naniniwala sa kanya. Pinatunayan nyang ang mga babae ay kaya ding sumabay sa mga kalalakihan. Isa sya sa bumago sa pananaw ng mga tao dahil sa kanyang paniniwala" mahabang sagot ko

Napangiti naman si Miss Sheina na parang kontento na sa ibinigay kong sagot sa kanya.

"No wonder na na-accelerate ka" komento nya ng nakangiti bago muling nagpatuloy sa pagdi-discus.

Bukod sa pagkakatawag sakin ni Miss Sheina ay wala ng ibang nangyari. Maayos lang na natapos ang klase namin na hindi pa rin ako mapakali dahil ramdam ko na hindi lumubay ang mga titig sakin ni Grey.

Napasimangot ako ng bigla na lang umalis si Grey pagka-dismiss samin ni Miss Sheina. Hindi man lang nya ako hinintay basta na lang syang dali-daling lumabas.

"Raella, may problema ba kayo ni Prince Grey?" tanong sakin ni Yana ng ilagay ko na sa bag yung notebook kong bihira ko lang sulatan.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon