CHAPTER FOURTEEN:

2.4K 72 47
                                        

I dedicated this chapter to her hahaha kasi she is my number one fan daw and na-overwhelm naman ako don. Thank you #bebe

P.S Lahat po ng msg. at comment nyo (rhed_001 hehehe special mention *I love this girl, she is one of my fav. #bebe*), nababasa ko po yun and super duper na-a-appreciate ko po ang pagsuporta nyo sa mga stories ko. At ito lang ang masasabi ko, I love you so much mga #bebe ko <3

P.P.S Contain SPG scene! Not suitable for very young age! Pwede nyong laktawan yung scene na yun, hindi naman yun makakaapekto.

*******************************

CHAPTER FOURTEEN:

NANIGAS AKO SA kinatatayuan ko na parang isang tuod. Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay ng pamimigat ng hininga ko at pagbilis ng tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng milya-milya ang layo.

"Anong...Anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong tanong. Ewan ko pero kinakabahan ako sa pwede kong marinig sa kanya.

Bigla akong napalinga sa paligid ko dahil bigla na lang syang nawala. Nangyari na 'to! Kailangan kong maging handa dahil baka anumang oras ay sugudin nya ako o kaya ay si Grey na wala pa ding malay na nakahiga sa may paanan ko.

"Iniisip mo ba talaga na ikaw ang nawawalang prinsesa?" Nang-uuyam na bulong nya sa likuran ko kaya kaagad akong napabaling ngunit wala na sya don.

"Nasaan ka? A-Anong ibig mong sabihin?" Sigaw ko

Umalingawngaw ang malakas nyang pagtawa, umi-echo ang lakas ng tawa nya sa buong paligid.

"Kahit kailan ay hindi ka magiging si Allena" napabaling ako sa direksyon kung saan ko narinig ang boses nya at sa bato kung saan sya nakaupo kanina, don ko sya nakitang prenteng nakaupo.

Hindi ako si Allena? Kung ganon sino ako? Dapat ko bang pagkatiwalaan ang sinasabi nya?

"Pwede kang huwag maniwala pero ako ang dumukot sa prinsesa" para namang nabasa nya ang kung anong iniisip ko. Nasilawan ng liwanang ng buwan ang kalahati ng mukha nya kaya kita ko ang pagngisi nya sakin.

Kahit na alam ko na sya ang dumukot sa prinsesa dahil sa sinabi ng reyna, hindi ko pa din maiwasang di magulat sa rebelasyon na yun.

"At alam mo ba kung bakit hindi ka pwedeng maging si Allena?" ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. "Dahil matagal na syang patay"

Kulang ang sabihin na nagulat para ilarawan ang naramdaman ko. Mabilis na lumarawan sa isipan ko ang masayang itsura ni Queen Light, ang mukha nya na punong-puno ng pag-asa na ako nga ang nawawala nyang anak.

Alam namin--alam ko--na may possibilidad na hindi rin ako si Allena pero deep in my heart, umasa din ako na ako na nga sya. Para akong nanghihina dahil maalala ko pa lang ang mukha ng reyna, nanlalambot na akong makita syang masaktan.

"H-Hindi yan totoo!" Nakayuko at nakakuyom ang mga kamay kong sigaw sa kanya. "Nagsisinungaling ka lang!" Galit na binato ko sya ng bolang apoy.

Pero tumagos lang sa katawan nya yung apoy na binato ko sa kanya. Pero hindi ako tumigil sa pagbato pero tulad ng una kong ibinato, tumatagos lang ito hanggang sa mapalibutan na kami ng apoy. Ang mga ibinato ko ay tumama sa mga kahoy at lumiyab iyon at kumalat.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon