CHAPTER SIX:

3.4K 89 34
                                    

*taas ang parehong kamay*

alam ko po na gusto nyo na akong ipa-shoot to kill dahil ang tagal kong nawala ng walang paalam pero huhuhu hindi ko naman alam na hindi pala uso ang wifi sa ace wonderland. Bakit? Bakit? Bakit? Naghihirap na ang aking kaharian! Nakaka-depress! Huhuhu kailan ba uulan ng lalaki sa mundo ko para pampawala ng depression sa mga single na tulad ko! :p

Hello sissy rhed_011! Sarreh kung ang rply ko ay nong gabing yun ako mag-U-UD pero di ko nagawa.

*******************************

CHAPTER SIX:

SA KALALIMAN ng gabi, nahihimbing ang isang napakagandang sanggol na babae. Ang kahit na sino ay mamamangha sa taglay nyang kagandahan.

Napangiti si Light ng humikab ang kanyang munting angel habang ito ay natutulog. Binalot din ng mainit na kamay ang kanyang puso. Walang tatawarin ang sayang kanyang nararamdaman. Kahit na dalawang buwan na ang nakakalipas ng sya ay magsilang, hindi na nawala ang sayang naramdaman nya.

Wala na syang mahihiling pa sa buhay nya. Kompleto na ang buhay nya. Kasama nya na ang mga magulang nya, ang mga kaibigan nya, mahal na mahal sya ng asawa nya at ni Grey at ngayon ay heto at kapiling na nila ang kanilang munting Allena.

"Hindi ka talaga nagsasawang tingnan ang anak natin, noh?" Nakangiting lumapit si Austin sa kama kung nasaan ang kanyang asawa na masayang pinagmamasdan ang kanilang anak.

"Hinding-hindi ko ata sya pagsasawaang titigan" nakangiting sagot ni Light bago nilaro-laro ang munting kamay ng sanggol na natutulog. "Ang ganda nya, Austin" humahangang usal niya

Kinuha din ni Austin ang isa pang kamay ng kanilang anak at nilaro-laro din iyon. "Kamukhang-kamukha mo sya. Tanging ilong lang nya ang nakuha sakin" marahang wika ni Austin habang buong pagmamahal na nakatingin sa anak.

"Hiniling ko noon na sana ay maging kamukha mo ang anak natin" pagtatapat ni Light

Nagliwanag naman ang mukha ni Austin sa narinig. Nag-angat sya ng mukha at sinalubong ang mga mata ni Light na kakikitaan ng labis na pagmamahal para sa kanya. "Talaga?"

"Uh-hmm" tumango si Light bilang pagkomperma

"Kamukha ko man o hindi, mahal ko pa rin sya dahil ikaw ang ina nya. Ang babaeng mahal na mahal ko" hinaplos ni Austin ang pisngi ng kanyang asawa. "Mahal na mahal kita, Light! Ikaw, si Grey at ang ating munting Allena" mabilis syang sumulyap sa sanggol na nananatiling natutulog bago ulit ibinalik ang tingin sa asawa.

"Ako din. Mahal na mahal din kita. Kayong tatlo ng mga anak natin. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko dahil kinompleto nyo na ang buhay ko" buong pagmamahal namang tugon ni Light

Umayos sa pagkakaupo si Austin at ikinulong nya ang mukha ng asawa sa kanyang mga kamay. Unti-unti nyang inilalapit ang kanyang mukha sa mukha ni Light upang sana'y gawaran ng isang matamis na halik sa labi ngunit bago pa man maglapat ang mga labi nila, ginambala na sila ng isang pagtikhim.

"Sabi ko na nga ba at nandito lang kayo" sabay na napalingon ang mag-asawa kay Summer na iiling-iling. Nagpresenta kasi syang hanapin ang mga 'to dahil ilang sandali na lang ay magsisimula na ang pagpupulong ng konseho kasama ang reyna at hari.

TVG 2: The NewbornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon