Chapter 1

497 8 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ay dahan-dahan kong iginila ang paningin ko sa paligid. My eyes grow big ng mapagtanto na wala ako sa hotel na tinutuluyan ko. Akma akong tatayo ng bigla na lamang kumirot ang ulo. Damn hangover. Hinding-hindi na talaga ako iinom.

I check myself pero wala namang kaduda-duda. Suot ko pa rin naman ang damit ko kahapon at wala namang masakit sa katawan ko bukod sa ulo ko.

Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili ko. Di na rin ako nagtagal at agad na bumaba bago pa man ako abutan ng may-ari nitong condo. Pagkasarado ko ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Mukhang nasa iisa lang kami ng building ng kung sino man yong lalaking pogi na ang kasama ko kagabi.

Pagpasok ko sa room ko ay dumiretso ako sa sofa at doon naupo. I need to look for a job now. Hindi puwedeng nakatunga-nga lang ako dito dahil baka sa kalye ako pulutin kapag tuluyang naubos ang ipon ko.

I started doing my curriculum vitae and since suspended ang lisensya ko ay hindi ako puwedeng humawak ng anumang kaso, because technically ay under pa rin ako ng law firm ng daddy ko. I tried to browse different agencies na puwede kong mapasukan. Kahit ano pang posisyon yan ay nagpasa pa rin ako ng resumé ko. Siguro naman kahit isa doon ay may tumanggap sa akin.

Isinarado ko ang laptop ko at nagtungo sa kusina para magluto ng puwede kong makain. Buti na lang marunong akong magluto dahil kung hindi ay mamumulubi na talaga ako sa kakabili ng takeout.

Inilagay ko sa Plato ang niluto kong sinangag at tocino. Kailangan kong magtipid hanggat wala pa akong trabaho. Saka ko na ii-spoil ang sarili ko kapag na-hire na ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo naman ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili ko. Nagbihis lang ako ng dolphin shorts at oversized shirt dahil dito lang naman ako sa bahay at walang balak lumabas. Maybe I will just read some books while waiting for the result of my application.

Mag-aalauna na ng matapos ko ang binabasa kong libro. Medyo may aftershock pa nga ako dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida sa kuwento dahil namatay ang lalaking bida. Pero ganun talaga, all story have different endings, nasa reader na lang yan kung paano niya iinterpret iyon on its own. Para sa akin kasi, hindi porque hindi nagkatuluyan ang dalawang bida ay hindi na ito happy ending. Marahil ay kung mababasa natin ang ibang side ng kuwento ay mauunawaan natin kung bakit ganun ang naging wakas. There's always a prequel or a sequel for every tragic story. Some may be untold or never been written.

Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Kinuha ko ito at pangalan ni Serene ang nasa screen kaya naman ay sinagot ko ito.

"Hey, besh! May ginagawa ka ba?" masayang bungad nito.

"Wala naman besh. Why?" aniko at ngumuya ng tira kong popcorn.

"Tara labas tayo! Libre ko." Sulsol nito. Kuripot ang babaeng ito eh, madalang kung manlibre kaya kapag ganitong pagkakataon dapat hindi palampasin haha.

"Sige besh! Text mo na lang ako kung saan."

"Sige, besh. See you later." Paalam nito saka pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ay nareceived ko na ang text message nito kung saan kami magkikita which is sa Sweet Haven.

Umakyat na ako sa kuwarto ko para magbihis. I just wore a simple black skinny jeans and white off shoulder top partnered with my black stiletto.

I got my black purse before headed outside. Pagkapasok ko sa elevator ay sobrang siksikan kaya naman ay hindi na ako sumakay at naghintay na lang ng susunod. Minutes later ay bumukas na ang elevator at walang lingon-lingon na pumasok ako. Bali apat lang kaming nakasakay ngayon sa elevator. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Rene na paalis na ako saka agad ding itinago ito.

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon