Chapter 19

250 5 2
                                    

I was busy packing all my stuff ng pumasok si ate sa kuwarto ko. Ngayon na kasi ang uwi ko pabalik ng Quezon. Sa tatlong araw na inilagi ko dito ay puro pamamasyal ang ginawa namin. We went to different tourist attraction here in Baguio and enjoyed our quality time together. Ayaw pa nga akong paalisin ni Blaire but I really need to be back kasi kailangan din ako sa trabaho.

Rinig ko ag buntong-hininga ni ate bago naupo sa harap ko. Kapwa kami nakaupo sa kama habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Aalis ka na ba talaga? can you stay here even for a week?" tanong ni ate na ikunanguso ko. Itinabi ko ang ginagawa para yakapin siya.

"I will miss you, ate. Don't forget to call me everyday ha? dadalaw ako dito kapag may oras ako. you can also visit me there if you want."

"I will miss you too sis. Don't worry, I'll call you everyday. Baka kasi next month, magpakita na rin ako kay daddy."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Talaga?!"

"Yeah, ayoko na ring itago ang anak ko. Kung hindi man kami matanggap ni dad, at least sinubukan kong ipaalam sa kanya at ipakilala ang apo niya."

Hinawakan ko ang kamay ni ate. "Don't worry sis, I'm here for you. Kasama mo ako palagi. Sigurado namang matatanggap ka ni dad, lalo na kapag nakita niya si Blaire."

Napangiti siya ng tipid sa sinabi ko. "Sana nga tama ka."

Buhat-buhat ang mga gamit ay lumabas n ako ng bahay nila. Kita kong naiiyak nasi Blaire kaya di ko maiwasang mapangiti. Nilapag ko ang gamit ko saka siya nilapitan. Lumuhod ako sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin. Pinunasan ko ang luha niya at bahagyang pinisil ang namumulang pisngi nito.

"Stop crying na. Babalik naman si tita. You can also video call me if you miss me." amo ko pero napanguso ito.

"Pero wala na po akong kalaro ng doll. Magiging busy na po ulit si mommy eh."

Napatingin ako kay ate sa sinabi ni Blaire. Kapag kasi may trabaho ito ay iniiwan niya si Yumi sa kapitbahay nila. Pero minsan lang naman kapag kailangan niya talagang bumisita sa site. Engineer siya eh.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya na ikinatingin niya sa akin. "Don't worry, sabihan mo ako kung wala si mommy mo so I can come to you, is that okay?"

"Talaga tita?!" masayang tanong nito kaya tumango ako.

Niyakap ko pa sila ng isang beses bago ako tuluyang sumakay sa van.

Pagkarating ko sa unit ko ay agad akong napasalampak sa kama. Inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan ni Luke pero busy ang line nito kaya di ko na pinilit. Pasado alas tres palang kasi ng hapon kaya baka busy ito sa trabaho. Ayoko namang istorbohin kaya pupuntahan ko na lang siya mamaya.

I decided to take some nap before I go there. Mag-aalas singko na ng magising ako so I immediately fix myself then drove to his workplace. Pagdating ko doon ay agad akong binati ng guwardya na sinagot ko naman ng ngiti. Marami ng empleyado ang naglalabasan kaya medyo siksikan. Pagdating ko sa taas ay agad akong dumiretso ng office niya pero wala siya doon. Mukhang nakaalis na siya.

Pagsakay ko sa elevator pababa ay saka naman pumasok ang head of marketing nila na agad akong nginitian.

"Hinahanap mo si boss, Miss Lila?" tanong nito Kaya tumango ako.

"Oo sana, pero mukhang nakauwi na siya. Wala na kasi siya sa opisina niya eh."

"Maaga po siyang umalis kanina dahil may susunduin daw po sa airport. Balita ko po kasi ay ngayon ang uwi ni miss Eireen. Sige po mauna na po ako." aniya ng saktong magbukas ang elevator sa ground floor.

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon