Chapter 7

244 11 0
                                    

"How are you, Lila?" Niyakap ako ni tita ng makarating kami.

I smiled. "Okay naman po ako, tita. May trabaho naman po ako."

"That's good. Yong tatay mo talaga ang sarap pektusan. Ang Tanda Tanda na ang immature pa rin." Natawa ako sa sinabi ni tita.

Mula noong Bata pa ako, siya na Ang madalas Kong kakampi lalo na kapag pinapagalitan ako ni daddy. Sa bahay din nila ako madalas magpalipas ng sama ng loob. She became the mother I'm always dreaming for. Siguro dahil Wala silang anak na babae kaya sa akin nila binubuhos ang pagmamahal nila. Kaya rin sanggang dikit kami nitong si Ian dahil bata pa Lang kami ay siya na ang lagi Kong kasama. Sila ni ate.

"Anyways couz, dinalaw mo na ba si Ren? Miss ka na nun!" Kantyaw ko sa kanya. Di naman kasi lingid sa akin na naging crush niya si Serene nong bata pa kami, but then, my beshy is just so manhid not to notice it. Sa iba kasi nakatingin kaya Hindi niya magawang tignan ang pinsan ko.

"Loko! Pero Hindi pa, siguro bukas ko na lang siya dadalawin. Sama ka?"

Umiling ako, balak ko kasing bisitahin si dad. I just want to know kung okay lang ba siya.

"Ikaw na Lang, couz, sa susunod na Lang ako pupunta sa kanya. Baka maumay na iyon sa kagandahan ko."

Kunway kumapit ito sa upuan niya. "Ang hangin, couz, but your right, maganda talaga ang lahi natin." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Hindi pa kami natigil sa pagkukuwentuhan hanggang di kami tawagin ni tita para kumain na.

"Ang sarap mo talagang magluto, tita!" Puri ko saka ulit sumubo ng sinigang na hipon.

Natawa si tita. "Ikaw talaga, lagi mo na Lang pinupuri ang luto ko. Nga pala, anniversary namin ng Tito no next week and we planned to go to Paris, sama ka ha?"

Tumango Naman ako. Maybe it's my chance to take some rest. Kailangan ko rin siguro ng pahinga dahil napapadalas ang pagsakit ulit ng ulo ko.

"I would love to, tita."

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kami na mamasyal muna, but since pagod daw si tita ay kami na Lang ni Ian ang magkasama.

"Saan mo gustong pumunta, couz?"

"Sa hundred Island!" Napatawa siya sa sinabi ko. I really missed going there. Noong bata pa kami ay doon kami madalas mag-outing dahil sa ilang oras lang Naman ang layo non dito sa amin. And it's so worth it to be there. Napakaganda ng dagat at mga Isla, pati na rin ang mga stations ay worth it akyatin dahil pagdating mo sa tuktok ay mapapanganga ka talaga sa kagandahan ng view, lalo na kapag papalubog na ang araw ay napakaganda iyong pagmasdan.

"Nga pala insan, may balita ka na ba kay Lala?" lumingon siy saglit sa akin saka muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Napabuntong-hininga ako.

"Wala pa rin eh. But I am hoping na magkaroon na ng lead. Nag-aalala na ako sa kanya eh, lalo na si dad."

"Dont worry, couz. I also hired an investigator para mag mapadali ang paghahanap natin sa kanya. In no time, baka makita na natin siya."

"I hope so."

Sabay na napabaling ang paningin namin sa cellphone ko ng tumunog ito. Nakita ko pang napangisi siya bago ibinalik ang atensyon sa kalsada, siguro ay nakita nya ang wallpaper ko.

"Luke?"

"Luke na naman, call me hon please?" maktol nito kaya di ko maiwasang mapangiti.

"Oa mo. Oh sige, anong kailangan mo HON at napatawag ka?"

Rinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "I miss you, love. Kailan ka babalik dito?"

"Sa monday na ako babalik dyan eh. Dito na muna ako kina tita ko."

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon