"N-nice to meet you, M-Mr. Salvador." pilit ang ngiting sabi ko samantalang siya ay binigyan naman ako ng masuyong ngiti na ikinaiwas ko ng tingin.
"Nice to see you again, hija. Kamusta ka na? Ilang taon din tayong hindi nagkita ah."
Kimi akong ngumiti. "Medyo naging busy lang po sa trabaho at sa sarili ko." Tumango-tango siya sa naging sagot ko na tila kumbinsido naman.
"How did you know my daughter, kumpadre?" Singit ni daddy na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ng daddy ni Luke.
Hindi ko nga alam na magkakilala pala sila ni daddy. Lumiliit na talaga ang mundo namin ng anak ko.
"Actually, kumpadre. Naging secretary siya ng anak ko. She's been a very hard-working employee. Manang-mana sayo." Ani Tito na ikinahinga ko ng maluwag. Buti nalang ay hindi niya isiniwalat ang totoong uganayan namin ng anak niya.
"Yeah, anyway. Nasaan si Ella, princess? Gusto ko sanang ipakilala kay kumpadre yong isa ko pang napakabibong apo."
Tila binundol na naman ng kaba ang dibdib ko sa sinabi ni daddy. Ngumiti lang ako sa kanya, or ngiwi siguro ang kinalabasan no'n.
"Uhm, d-dad.. may ginagawa kasi siya sa loob. She's k-kinda busy po with Blaire." Utal na sagot ko at bahagyang sinulyapan si Tito na tila nakuha ang sinabi ni daddy ang atensyon niya.
"Oh! You have another granddaughter, kumpadre? Second baby ba ni Lala mo?"
Dad chuckled then look at me before looking at Tito again. "No, kumpadre. She's Lili's daughter actually. Napakabibong Bata, Mana sa nanay niya." Sagot ni daddy na ikinaputla ko. Lalo pa akong nawalan ng kulay ng marinig ang boses ng anak ko. Shit! I'm really busted now.
"Mommy! I'm here na po, ang tagal mo po kasi eh!" Masayang anito at kumandong sa akin saka tumingin sa kaharap namin.
"Hi, po! Are you my Lolo's friend po? You both have white hair!" Malawak ang ngiting saad nito. Tito return a smile to her.
"Yes, princess. I am your Lolo's friend. Just call me Lolo Ares. What's your name little girl?"
Bumaba siya sa kandong ko at pumunta sa harap ni Tito Ares na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Hi, Lolo Ares! I am Ella Eunicyl Natividad. I am two years old po now but I'm turning three next next week daw po Sabi ni mommy! Attend po kayo sa birthday ko ah?"
Tito Ares smiled and pinched my daughter's cheek a bit. Tila ito naluluha habang nakatingin sa anak ko. I know from this moment that he already knew who's my baby's father. Kuhang-kuha ba naman ng anak ko ang mukha ng tatay niya eh.
"You're so beautiful princess, just like your mom." Sabay sulyap niya sa akin habang nakangiti. He returned his gazed to my daughter at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Of course, I will attend to your party. Anyway, Can I visit you here some other time princess? You know, I've been wanting to have a granddaughter like you."
Ella hesitated as she looks at me Kaya naman ay tumango nalang ako. "Yes po, Lolo Ares!"
Masaya silang nagkuwentuhan at paminsan-minsan ay sumasagot ako pero madalas ay nanatili lang akong tahimik dahil sa maraming tumatakbo sa isip ko. Sigurado na talaga akong alam na ni Tito but I still need to confirm that para na rin mapigilan ko siya sa pagsabi sa anak niya. Kung ginawa ko ang ginawa ko noon para hindi makasira ng pamilya, ganun din ang gagawin ko ngayon.
After hours of chitchatting, Tito finally bid his goodbye. I volunteered myself to join him up to the gate dahil nga sa balak ko siyang kausapin.
"Uhm, Tito,--"
BINABASA MO ANG
Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)
RomanceLila Elizabeth Natividad is known as the youngest lawyer in town. Kilala siya bilang isang matinik na abogado. They often call her 'The lady Tigress', but one accident lead her to lost everything. Her sister... Her career... And... her family. They...