Chapter 8

239 7 0
                                    

Monday morning ay balik na naman kami ni Luke sa trabaho but unlike the passed week ay hindi ngayon ganoong kabusy kaya nagagawa na naman nito akong landiin gaya dati.

"Love, magbakasyon kaya tayo next week, what do you think?" tanong niya habang nakapatong ang ulo niya sa lap ko. Nandito kami sa sofa sa opisina niya habang nakaupo ako at siya naman ay nakahiga sa binti ko.

"Not sure. Next week kasi ay sasama ako kanila Tita sa Paris eh kaya baka di ako puwede."

Natahimik ito saglit kaya naman ay sinilip ko siya. Mukhang malalim  ang iniisip niya.

"Hey, are you okay?" untag ko. Nagulat pa nga ako ng bigla itong bumangon at nakangiting humarap sa akin.

I raise my brows. "What? bat ganyan ka makangiti?"

"Di ba sabi mo ay pupunta kayo nila Ian sa Paris.." tumango ako. "Sasama ako, so after that puwede na tayong magpaiwan for our vacation."

Napamaang naman ako sa sinabi niya. "Wow! gara ng naisip mo ha? sigurado ka ba talaga sa bakasyon na iyan? I mean, sinong mamamahala dito sa kompanya niyo?"

"Well, I can just talk to my cousin. Malaki utang na loob nun sa akin kaya sigurado akong di  ako matatanggihan nun."

Tumango ako. "Okay. Sabihin ko na lang kanila tita na isasama kita."

After naming magkasundo ay nagpasya kaming maglunch sa labas since malapit ng mag-twelve. We settle ourselves in a korean restaurant na pagmamay-ari daw ng pinsan niya.

We just talked about random things and honestly, nag-eenjoy akong kasama siya. Parang dahil sa deal namin ay unti-unti ko ng nakikilala ang tunay na Luke. Madalas man siyang lumandi but deep inside he cares. I knew him being a playboy before pero napatunayan niya sa akin kung gaano siya kaseryoso sa akin and I am so scared na baka dahil sa akin ay masaktan siya. I know being hurt is part of being in love but  I want to at least refrain him from feeling that because I know now why he became a playboy. He told me that he was once fell in love with a girl way back long years ago pero sinaktan lang daw siya ng babae at harap-harapang pinamukha sa kanya na hindi sila bagay.

I actually felt guilty nong marinig ko iyon dahil alam ko sa sarili ko na minsan sa buhay ko ay may nasaktan din akong tao. Minsan sa buhay ko ay naging masama ako, and that's what I regretted the most. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay hinding-hindi ko gagawin ang mga nagawa ko noon.

"Let's go?" napalingon ako ng magsalita si Luke. Medyo napahaba ata ang pagmumuni-muni ko. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Papasok na sana kami ng kotse niya ng may bigla na lamang tumawag sa kanya at walang babalang hinalikan siya sa mismong harapan ko. Napakuyom ang kamay ko. I badly want to ripped this bitch faced and slap to her face that the man she kissed is MINE. Akin lang, pero naisip ko, ano nga ba kami bukod sa deal na nagbubuklod sa amin?

"Sandra!" kinakabahang ani ni Luke saka bumaling sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

"What, babe? I miss you. Hindi mo na ako pinupuntahan sa pad ko." the bitch pouted and honestly, mukha siyang malanding bibe sa itsura niya.

"Look,  Sandra. I told you we're already over. Hindi na mauulit iyon." tinangka siya ulit halikan ni bibe pero tumalikod na ako at tuluyang sumakay sa kotse. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin. Maghalikan sila hanggang sa mapudpod ang mga labi nila wala akong pake.

Ilang segundo lang ay pumasok na din si Luke. Tinignan ko lang siya saglit saka ibinaling na ulit ang paningin ko sa labas ng bintana. I heard him sighed at hinawakan ang kamay ko pero di ko pa rin siya tinitignan. Imagining him being in other girl's arms before, nakakainis, ang sarap magmura. I know that it's his past pero ang sarap niyang sapakin. Why didn't I met him earlier so that he won't be able to go and spend nights doing kinky to other girls? Bakit ba ngayon ko lang siya nakilala?

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon