Chapter 25

252 11 1
                                    

Hinatid ko muna si Blaire sa bahay dahil madadaanan naman iyon papunta sa sinasabi ng caller na lugar. Sa bawat pagtakbo ng kotse ko sa naturang lugar ay abot-abot ang kabang nadarama ko. Is she somehow being kidnap? Pero mukhang hindi naman masamang tao iyong nakausap ko. His voice somehow looks familiar though.

Pagdating sa Amore Subdivision ay agad akong pinara ng guard.

"Kayo po pala, Miss Natividad. Diretso na po kayo. Kanina pa po siya naghihintay sa inyo." Lito man sa sinabi ng guard ay sinunod ko na lang ang sinabi nito hanggang sa tila nagsink-in sa akin ang lahat.

Isa lang naman ang kakilala kong may bahay dito at sana mali ako ng iniisip. Sana hindi siya.. pero mukhang tama nga talaga ako dahil nakita ko siyang tila naiinip na naghihintay sa mismong gate ng mansyon niya.

Napabuntong-hininga ako ng malalim bago hininto sa tapat niya ang kotse at lumabas.

"It's you." It not a question but a statement. He smirk at me and lead me inside his house. Ganun pa rin ang itsura nito, wala pa ring nagbago.

"Take a seat, love. What do you want to have, coffee, juice or... me?" May ngising tanong nito na agad kong inismiran.

"I don't have time for your silly pick ups. Ilabas mo ang anak ko."

"Oh? Sorry hindi ko pala nasabi sayo. Ella is already sleeping in our house. She's not here anymore." Nang-aasar na sabi nito

I sighed and get myself up. Ayokong makipaglokohan sa gagong ito.

"Where are you going love?" He asked as he grab my arm that cause me to sit again, but this time, beside him.

"Ang sabi mo ay wala dito ang anak ko kaya aalis na ako. Ayokong makipaglokohan sa isang katulad mo."

Napatawa siya ng pagak dahil sa sinabi ko. What's funny with what I just said?

"Lokohan?" Nakakalokong tanong niya pero agad din iyong nawala dahil nagnangis ang bagang nito. "Tell me, Love? Kelan kita niloko? Tell me kasi wala akong maalala na niloko kita. Wala akong ibang ginawa mula noon hanggang ng maging tayo kundi ang mahalin ka. Now, tell me, what did I do to deserve this kind of punishment?" May hinanakit na sabi nito pero I just glared at him. Wala siyang karapatang magpakaawa sakin o sumbatan ako.

"Wala kang maalala? Ilang beses mo akong niloko at pinagmukhang tanga! Pero dahil mahal kita ay pinikit ko ang maya ko kahit sobrang sakit na!" I immediately wipe the tears in my eyes na bigla na lang tumulo. "You lied to me many times, Luke. Ang sabi mo kaibigan mo lang si Eireen so I believed you. Kahit nang malaman ko na childhood lovers pala kayo ay pinalagpas ko iyon. Sa tuwing tatawag siya sayo ay tila nawawala ako sa paningin mo ay wala kang narinig na sumbat sa akin. Pero yong malaman ko na may anak ka na.. yon ang hindi ko kayang palagpasin. Ayokong makasira ng pamilya dahil alam ko na mahal mo pa rin ang Ina ng anak mo."

Napangisi siya sa sinabi ko.

"That's it? Nagawa mong itago Ang anak ko dahil Lang Dyan? Ni hindi mo ako kinompronta para magpaliwanag man lang?" Nanunuyang Sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't belittle my reason for doing that. I may be heartless but I am not a homewrecker. I know when to put myself out when I know I am not going to fit anymore. Kung wala ka ng sasabihin ay kukuhanin ko na ang anak ko." Ani ko at akmang aalis na nang marinig ang sinabi niya na nagpapako sa sahig ng aking mga paa.

"Your right, I love the mother of my child. Mahal na Mahal ko 'yon." Nakangising sabi niya.

Para akong sinaksak ng libo-libong patalim dahil doon. I know that already kaya hindi na niya kailangang ipamukha iyan sakin.

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon