Chapter 30

311 6 0
                                    

Katok sa pintuan ang napagising sa akin kinabukasan. Wala na rin si Janna sa tabi ko kaya malamang ay nasa baba na ito. Bumangon ako ng kama at sak binuksan ang pintuan. Bahagya akong napakurao ng nakanguting mukha ni Luke ang bumungad sa akin bitbit ang tray na may lamang pagkain.

"Breakfast in bed?" Napaismid ako sa sinabi niya.

"Dalhin mo nalang 'yan sa baba. Wala naman akong sakit para sa room kumain." Simpleng sabi ko. Kita ko ang disappointment sa mukha niya pero nanatili pa rin siyang nakangiti.

"Okay, let's go."

Nagkibit-balikat nalang ako at naunang bumaba. Pagkadating ko sa dining ay nagtaka ako kung bakit wala si Janna. Magtatanong pa sana ako sa kanya ng maunahan niya ako.

"Dumaan sina mommy dito kanina. Hiramin daw muna nila ang apo nila." Paliwanag nito na tinanguhan ko nalang.

Since wala ang anak ko ngayon, might as well go back to work. Well, about the firm,

"Can I get the firm back? Pumayag na ako sa gusto mong tumira kami dito ng anak ko."

Bigla itong ngumisi saka umiling. "Na ah, love. I will give you back the firm but you will only go back to work there next month. I want this whole month to be spend with you and our daughter."

Napairap nalang ako. Paladesisyon talaga 'tong gago na 'to. Sarap kutusan eh!

"Nagustuhan mo ba?" Maya-maya ay tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain.

Nginuya ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot. "Okay lang. Pwede na." Kunway sagot ko.

"I know it's your favorite kaya 'yan ang niluto ko. I still remember back then how you used to be happy everytime my mom cooks karekare."

Dahil sa sinabi niya ay tila nanumbalik sa akin ang kabataan namin kung saan madalas niya akong ayaing kumain sa bahay nila dahil nagluto daw si tita ng paborito ko. Those sweet moments still lingered in my mind and if I could just turn back the time and go on that very moment, I will gladly will dahil ang kasama siya ang isa sa pinakamagandang nagyari sa buhay ko. He is the best memory that I have and will treasure for the rest of my life.

"What do you want to do, hon?" Tanong niya ng matalos kaming kumain at nakaupo na dito sa may terrace.

"Wala ka bang pasok?"

"I'm the boss, remember? Saka mas gusto kitang kasama kaysa sa mga papeles sa opisina." Pilyong sabi nito sabay ngisi.

"Whatever. By the way, ano pala 'yong gusto mong sabihin sakin? You said you will tell me something."

Kita ko ang pagbuntonghininga niya bago kinuha ang kamay ko at tumitig sa akin ng marinig. Akmang ibubuka na niya ang bibig para magsalita ng biglang tumunog ang doorbell.

"Tignan mo muna kung sino ang tao sa labas."

"But.."

Ngumiti ako. "Sige na. I'll wait for you here."

Nakasimangot siyang lumabas upang tignan kung sino ang tao sa labas. Habang wala siya ay inabala ko ang sarili ko sa panonood ng tv ngunit ilang sandali ang lumipas ay hindi pa rin siya bumabalik kaya naman nagpasya ako na tignan na siya. Pinatay ko muna ang tv bago siya sinundan sa labas.

Paglabas ko ng pinto ay may nakita akong kausap niya sa gate. Hindi ko masyadong mabistahan kung sino kaya naman ay naisipan kong lumapit pero napahinto ako ng tuluyang makilala kung sino ang nasa gate.

Si Eireen.

Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak habang kausap si Luke at ng maispatan niya ako ay agad na tumalim ang tingin niya sa akin.

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon