"Love, don't leave me please... I love you so so much... Wife."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Am I just assuming or did her really call me his... wife? Pero paano ko naman siya magiging asawa eh hindi ko naman matandaang kinasal ako kay Luke? Haist.
Napabuntong-hininga nalang ako at agad na bumaba para kumuha ng maligamgam na tubig at towel pamunas sa kanya. Nang pag-akyat ko ay agad ko na siyang nilinisan at pagkatapos bihisan ay saka ko na siya kinumutan bago ako lumabas ng kuwarto para matulog sa guest room.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok sa pinto. Pupungas-pungas akong bumangon at humikab bago buksan ang pinto. Mukha ni manang ang bumungad sa akin.
"Hija pasensya na kung naistorbo kita, may naghahanap kasi sa'yo sa baba."
Kumunot ang noo ko. "Sino daw po manang?" tanong ko. Wala naman kasi akong inaasahang bisita.
"Pinsan mo daw." agad na nanlaki ang mata ko sa sagot ni manang at dali-daling bumaba ng di na nakapagpaalam kay manang.
Pagbaba ko ay nakita ko si Ian na kausap si Luke. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang ngumiti sa akin.
"Cous..." nakangiting usal ko saka mabilis na yumakap sa kanya. "Na-miss kita..."
"Na-miss din kita, Lily. By the way, I just came here to gave you an invitation." kiming sabi nito at saka inabot sa akin ang isang color gold na invitation. Agad ko iyong tinignan at nang mabasa ko kung ano iyon ay agad akong napatili.
"Is this for real?! ikakasal ka na?!" di makapaniwalang tanong ko pero ngisi lang ang itinugon ng mokong.
"Naks naman, after all kayo din pala ang magkakatuluyan. I'm so happy for you, Ian." senserong sabi ko. "Just please... never hurt her again, cous. I know she suffered a lot already."
"Don't worry cous. I am not a jerk anymore. Takot ko lang na baka taguan na naman ako no'n! Baka tuluyan niyo na talaga akong ipasok sa mental haha."
Natawa naman ako. Nasaksihan ko kasi kung paano siya malugmok ng tuluyang umalis si Marian at di na nagpakita sa kanya. Tila siya nawalan ng ganang mabuhay. Halos isang buwang din siyang nagkulong sa condo niya at kung hindi pa ni-real talk ni Serene ay hindi siya matatauhan. Kaya I am just happy that finally, he learned to treasure her. He admit his mistakes and also learned to admit to himself that he really love her. Damn much.
"Oo nga pala, may mini celebration kami bukas sa bahay, punta kayo ha?" kapagkuway ani ni Ian.
Tumango ako at tumingin kay Luke na tahimik lang sa tabi. "Sama ka?" he pouted then eventually nodded his head.
"Sige na, cous. I just really drop here to give that to you. I better get going now baka nag-aalburuto na 'yong baby ko." natatawang sabi niya.
I just hugged him once bago siya tuluyang lumabas ng bahay. Nang bumaling ako kay Luke ay masuyo siyang nakatingin sa akin.
"What?" taas kilay na tanong ko. Umiling siya saka ngumiti.
"Nothing, love. Labas tayo?"
"Wala ka bang pasok ngayon? ilang araw ka ng hindi pumapasok."
He put his face on my shoulder blade without letting go of my hands.
"I told you I want to spend time with you. I love you so much love. I don't think I can live without you anymore. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa'kin..."
I smiled and carressed his hair. "Sino ba kasi ang nagsabing mawawala pa ako sa'yo? I am not the same Lila anymore who will runaway with problems, Luke. Natuto na ako. Kaya if you have worries, don't hesitate to tell me. Handa akong pakinggan ka."
BINABASA MO ANG
Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)
RomanceLila Elizabeth Natividad is known as the youngest lawyer in town. Kilala siya bilang isang matinik na abogado. They often call her 'The lady Tigress', but one accident lead her to lost everything. Her sister... Her career... And... her family. They...