Chapter 26

260 4 2
                                    

"Are you sure about that, Princess? alam ko na malaki ang kasalanan sayo ng ama ng anak mo but don't you think its too much if you will hide your daughter again? hindi pa ba sapat na tinago mo siya sa ama niya ng ilang taon? kung pwede sana ay ayaw kung makiaalam sa mga desisyon mo but I do hope you put your daughter's sake first before your grudge towards your ex. Your daughter deserves to know her real father. Huwag mo sanang ipagkait sa kanya iyon."

I heave a deep sigh. Nagiging selfish na ba ako? ayaw ko lang naman na masaktan ang anak ko. I just want my daughter to feel love without needing to compete with her father's attention. Alam kong mahahati at mahahati ang atensyon ni Luke sa anak namin at sa anak nila ni Eireen.

"Think about it. Princess. If you want to continue with what you planned then I will support you. Pero sana ay isipin mo ng mabuti ang anak mo. Lumalaki na siya. Sabihin man nating kaya mong punan ang pangangailangan niya pero hindi mo maitatanggi na kailangan niya ng ama. I hope you give her that."

I smiled and lean my head on his shoulder. "Thanks. Dad. I'll think about it."

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay sa sala. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili bago bumaba. Halos manlaki ang mata ko ng madatnan ko sa sala si Luke na nakikipagtawanan kay daddy habang kandong niya si Ella. Gusto kong mainis pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila at bahagyang tumikhim para kunin ang kanilang atensyon.

"Ehem! what's happening here? mukhang ang saya niyo yata?" ewan ko if that sounds sarcastic but I do not care at all.

"Mommy! buti naman po at gising ka na. I'm sorry if hindi po ako nakauwi, I fell asleep in tito Luke's house po sorry." ani ni Ella na agad yumakap sa akin matapos magpakarga.

I smiled at her and kissed her reddish cheeks. "It's okay, Baby. Anyway, did you eat your breakfast already? do you want mommy to cook?" bahagyang umiling ito at bumaling sa ama.

"I already eat in tito Luke's house po. He cooked  me my favorite!" napalingon ako kay Luke ng sabihin ng anak ko iyon. Bahagya pa akong napaiwas ng makitang nakatingin pala siya sa amin.

Tumayo si Daddy at tumingin sa amin. "Mauna na ako sa inyo. Anak huwag ka na munang pumasok sa firm." Baling ni dad sa akin.

"But-"

"Think what I said to you last night. Huwag mo munang isipin ang trabaho dahil kaya ko pa naman. Focus on your daughter first." di na ako nakaangal ng tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga nalang ako at tumingin kay Luke na mukhang nag-aabang ng sasabihin ko.

Teka, ano bang dapat kong sabihin?

I look at my daughter at bahagya siyang binaba sa sahig. "Maligo ka na muna, baby. Call your yaya to assist you."

Umiling siya. "I can do it, mom. Bye bye po! bye tito Luke!"

Nang makaalis si Ella ay naupo ako sa tapat ni Luke. Nakatitig pa rin siya sa akin pero wala ka ng mababakas na anumang emosyon doon.

I sighed. "Mabuti naman at hindi mo ako pinangunahan sa pagsasabi sa anak ko ng totoo." paunang sabi ko pero hindi pa rin siya nagsalita. Para yatang mas gusto niya akong tunawin sa mga titig niya. "Uhm, you can visit her here if you want, you can bond with her basta sabihin mo lang sa akin--"

"Wala na ba talaga?" lito akong tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"What are you talking about? anong wala na talaga?"

He heave a sigh. "Us. Can we build our family? let's give our daughter a complete family please."

Napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya?

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon