Chapter 21

249 7 2
                                    

"I am Lena Alvaro, cook sa bahay ng mga Bautista. I swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth." Ani ng witness.

Tumayo ako para i-cross examine siya.

"Pwede mo bang idetalye Kung anong ginagawa mo ng araw na iyon hanggang sa insidente?"

Tumango ang witness at sinabi nito lahat ng nangyari.

"So Mrs. Alvaro, gaya ng sabi mo ay nakita mo ang kliyente ko na hawak ang murder weapon pagpasok mo sa crime scene. Tama?" Pag-uusisa ko sa witness na nakakita umano sa nangyaring insidente na kinasangkutan ng kliyente ko ng Yaya ng biktima.

Tumango siya. "Opo, attorney."

"Ang tanong ko, Nakita mo ba na sinaksak niya mismo Ang biktima?"

"Siya Lang ang nasa tabi ni Ali ng mangyari Ang insedente habang hawak ang kutsilyo Kaya siya ang pumatay." Katwiran nito na kaya tumaas ang kilay ko.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko Mrs. Alvaro. It's just a yes or no. Uulitin ko, nakita mo bang sinaksak ng kliyente ko ang biktima?" Naglikot Ang mata nito sa tanong ko.

"Objection your honor. She's making our witness uncomfortable!" Apila ng kabilang panig.

"Sustained. Answer the question." Ani ng judge na ikinangisi ko.

"So, Nakita mo ba Mrs. Alvaro na sinaksak ng kliyente ko ang buktima?"

Umiwas ito ng tingin.

"Hindi pero--" pinutol ko siya.

"So, HINDI. Hindi mo pala talaga nakita. " Aniko at Humarap sa mga tao sa loob ng korte. "Narinig niyo ang sinabi niya. Hindi niya Nakita ang buong insidente. So walang basehan ang paratang nila sa kliyente ko. Dahil ang tanging witness nila na si Mrs. Alvaro ay hindi nakita ang buong insidente at tanging Nakita nito ay ang murder scene hindi ang aktong pagpatay. My client here is not guilty."

Nagbulungan ang mga tao sa sinabi ko. Tumingin ako sa judge. "Can I present our new found evidence your honor?"

"Objection your honor. The evidence is not counted in the pre-conducted investigation!" Apila ulit ni Atty. Gomez na halatang naiinis na.

Di ito pinansin ng judge sa halip ay tinawag lang nito ang crime scene investigator. "Is the new evidence reliable?" Tanong nito.

Tumango ang prosecutor. "Yes, your honor. We guarantee the reliability of the evidences."

"Okay. Please, proceed."

Inilabas ko ang isang medical certificate at isang nabalatang mansanas.

"I have here the medical certificate na nagpapakita na hindi lamang disabled ang paa ng biktima kundi mayroon din itong sakit na epilepsy." Sinuri ng judge ang certificate na binigay ko.

"Base sa pag-iimbistiga ng team namin at sa autopsy ng biktima ay nasaksak ito sa harap ng dibdib at tanging iyon lamang ang tinamo nitong saksak sa katawan na kanyang ikinamatay. Base din sa pagsusuri sa muder weapon ay dalawang finger prints ang Nakita doon. At yun ang sa biktima at sa akusado. Kung pinatay nga ng suspect ang biktima, bakit may finger prints nito ang murder weapon?"

Tahimik lang ang buing paligid na animo naghihintay sa susunod Kong gagawin at sasabihin.

Kinuha ko ang mansanas na Hindi na natapos balatan. Isa ito sa huling nahanap na marahil ay gumulong ito ng matumba ang biktima.

"Base sa conclusion namin kalakip ng mga ebidensiyang ito, Hindi pinatay ang biktima kundi aksidente lamang ang nangyari. Na habang nasa kusina ito at binabalatan itong kawawang mansanas ay bigla na lamang siyang inatake ng epilepsy nito dahilan para matumba ang biktima at maisaksak ang gamit na kutsilyo sa sarili nitong dibdib. At yun ang naabutan ng kliyente ko na siyang nakita ng witness."

Childhood Series 2: Breaking You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon