September 24, 2015. Thursday. 3:00 pm. English Class.
"Ano daw sabi?" tanong ko sa katabi ko.
Hinarap niya ako. "Wala daw ang mga teachers ngayon at nagkaroon ng emergency meeting. Magadvance reading na lang daw." sagot nito sakin. Ngumiti ako at sumandal sa upuan ko sabay unat ng paa at braso.
"Ahhh! Yes naman! Walang teacher!" sabi ko. Pumikit ako tapos nagmulat ulit. Tinignan ko ang bestfriend ko. Nasa medyo unahan kasi siya ng room. Yun bang malapit sa glassboard at ako naman ay nasa likod.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya na busy sa pagsusulat ng kung ano sa notebook.
Tumabi ako sa bakanteng upuan na nasa left side niya. Lagi kasing absent itong katabi niya. Ewan ko ba. Wala atang balak pumasok.
"Pst." tawag ko sa kanya. Kinulbit ko siya at liningon naman niya ako ng nakataas ang kilay.
Nginuso ko ang notebook niya. "Ano yan?" tanong ko. Lumabi siya at umiling lamang.
"Sungit." bulong ko. Nilapit ko ang upuan ko sa kanya at tinignan ang ginagawa niya.
Nagdradrawing siya ng kung anet anet. May mga spaceship. Mukha ni Yoda, mask ni Darthvader, 'Live Long and Prosper' na nakalettering at kung ano ano pang kascifayan. Ginala ko ang attention sa papel at may nakita ako dun na dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.
"Sino si Nicole Sy?" tanong ko. Tumigil naman siya sa pagsusulat at tumingin sakin. Tinuro ko yung sulat niya sa papel na may 'Nicole Santos'. Tinignan niya ito at ngumiti.
"Ahh. Si Nicole. Wala." sagot niya. Wala?
"Weh? Crush mo ata eh." panunukso ko. Humindi ka! Hindi mo crush yan!
Lumabi siya tapos dahan dahang ngumiti. Humarap siya sakin.
"Hindi naman masama diba?" tanong niya. Hindi ako sumagot at tinignan lamang siya. "Crush ko siya, oo. Ang ganda ganda niya. Ang puti. Chinita. Matalino pa!" sabi nito at bumuntong hininga. Aray ha...
"Ahh."sabi ko. Lumabi ako.
Crush ko kasi si Drew since birth. Joke. Since bata pa lang kami. Childhood friend ko kasi siya. Nung bata pa nga kami, sabay kaming maligo niyan eh. Nung wala pa akong hinaharap. Sabi nga ng mga magulang namin noon, baka daw kami ang magkatuluyan ni Drew dahil sobrang close daw kami. Lahat ng sikreto nga niyan alam ko. Hindi ko nga aakalain na magiging ganito kagwapo si Drew eh. Nung bata pa lang kasi kami, chubby yan. Mahilig kumain. Pero nung naghighschool na, aba't tingnan mo nga naman at pumayat ang loko. May muscles pa tapos gumwapo.
Iniba ko ang topic dahil ayoko pagusapan si Nicole. Kung sino man yun. Tsk. Sigurado naman akong mas maganda ako kaysa sa kanya no! Huh! Quintos kaya ako! Anak ni Janice Dimaano-Quintos at Marlon Quintos!
--
Dismissal time.
"Tara na." yaya ko kay Drew. Ngumiti siya sakin at tumango.
Lumabas kami ng room at naglakad na pababa ng building namin. Ng makababa na kami ay madami ng estudyante sa baba na magkakagrupo. May mga gala siguro.
Nagkwekwento ako kay Drew habang naglalakad kami. Ang daldal ko talaga. Pero alam ko naman na sanay na sakin ang isang to. Love naman daw niya ako. Kilig. Choss.
"Ay!" sigaw ko. Plakda ako sa sahig at ang mga gamit ko ay nahulog. "Aray kupo...."
"Bela, ayos ka lang?" tanong ni Drew. Lumapit siya sakin at tinulungan akong tumayo. Pinulot niya ang mga gamit ko habang nanonood lang ako.
"Watch where you're going." iritadong sabi ng lalaki na malapit samin ni Drew. Tinignan ko siya at tinuro.
"Hoy, mister---" tumigil ako. Teka.... "Yung bracelet ko!"
"Bela?" sabi ni Drew.
Tinignan ko siya tapos hinawakan sa wrist"Yung bracelet na binigay mo sakin nawawala." sabi ko.
"It's okay. Let's go na. I'll buy you another bracelet." sabi ni Drew. Akmang hihilahin niya ang kamay ko pero agad akong umiwas.
"Hindi! Yung bracelet ko nawawala! Importante yun sakin, Drew! Bigay mo yun sakin eh!"sabi ko. Tinignan ko ang lalaki na nakatayo lang dun tila naiinip na.
"Ikaw! Binangga mo ako! Kung sana, hindi mo ako binangga eh di sana hindi nawala ang bracelet ko na bigay ni Drew!" akusa ko. Nagtaas naman siya ng kilay.
"Excuse me, Miss. Pero kung tumitingin ka sana sa dinadaanan mo eh di sana hindi ka nadapa." sabi nito.
"Aba! Ako pa ang may kasalanan? Alam mo naman na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko edi sana umilag ka man lang para hindi ako madapa." sabi ko pabalik.
"Tss." sabi niya habang umiiling bago umalis.
"Hoy! Teka, yung bracelet ko hanapin mo muna!" sigaw ko sa lalaking naglalakad na palayo samin. "Hoy!" habol ko.
Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Drew. "Shh. Bela, ayos lang. Hayaan mo na yung bracelet mo. Tara na." sabi niya. Huminahon naman ako at umayos ng tayo. Halos lahat ng estudyante na dumadaan ay nakatingin samin at pati na rin sa lalaking palayo.
"Tara na." sabi ni Drew. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami paalis.
Kainis naman yung lalaking yun. Patay yun sakin kapag nakita ko ulit yun. Letse siya...
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...