Chapter 7

63 2 0
                                    

Several Months later

Ilang buwan na ang nakadaan pero ganun padin ang sitwasyon. May mga times nga na sumasama kami sa date ni Drew at Nicole. Oo nga pala, sila ng dalawa. Nagimprove na yung relationship nila. Tapos kami naman ni Zach, ganun pa din. Pero, ako? Crush ko si Chance. Crush lang! Cinocontrol ko naman ang feelings ko para hindi ako mahulog.

Intramurals ngayon kaya wala kami masyadong ginagawa. Hindi kasi kami ang nakaassign sa mga booths. Ibang section daw kasi kaming section na kasali sa first three ay yung pinakabusy kaya yung mga lower ang pinaggawa.

"I love you." sabi ni Drew kay Nicole.

Nasa lovers lane kami. Hindi ko alam kung bakit 'lovers lane' ang tawag. Lane lang naman ito na may mga benches at puno. Tss. Ano yun? Lovers lang ang pwede?

"I love you too." sagot ni Nicole at nginitian si Drew. Hinalikan naman ni Drew si Nicole sa ulo. Humagikhik naman si babae.

"Kaloka kayong dalawa. PDA kung PDA eh. Pwe. Nakakadiri." sabi ko at sumiring.

Wala akong pakielam kung marinig nila. Matagal ko naman ginagawa ito. Si Nicole nga ata, nakakahalata na may gusto ako sa boyfriend niya pero being mabait and all, hindi niya ako konokompronta.

"Ito namang si Jordan. Bitter." sabi ni Nicole sabay tawa. "Nasaan si Chance mo?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Malaysia at Pakistan." sabi ko.

"Huh? Ano naman ang ginagawa niya dun?" tanong niya ng nakakunot ang noo.

"Ay, slow lang ate? Ma at Pa. Malay ko at pakielam ko. Gets mo na? Jusko po. Anong taon ka ba pinanganak." sabi ko sa kanya ng mataray.

"Chance..." pagwawarning sakin ni Drew. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Nung hindi siya sumagot ay inirapan ko siya. Bahala nga kayo. Makikinig na lang ako ng music.

---

Kasama ko pa din yung dalawa pero this time nandito yung partner in crime ko na si Chance Alvarez

Pacanteen kami ngayon kasi gutom na daw si Nicole.

Umorder ako ng tatlong burger para sakin lang at isang iced tea. Bakit ba? Gutom ako eh.

Pagkabalik ko sa table namin, nakatingin sila sa hawak ko. "Ano?" pagmamataray ko.

Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at binuksan bago kagatan.

"These are all yours?" tanong ni Chance.

"Oo. Gutom ako eh." sagot ko. Tinignan ko naman si Nicole na kumakain lang ng salad at tubig.

"Paano ka naman mabubusong kung dahon ang kaiinin mo? Ano yan? Tiis ganda? Tss." sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Kumain na lang ako habang yung dalawang lalaki ay may ginagawang kanila.

Nauna si Nicole matapos kaya hinintay pa nila ako. Pagkatayo namin ay naitapon ko yung iced tea ko sa blouse ni Nicole. "Ay! Sorry! Pahara hara ka kasi." sabi ko.

Lumayo ako sa kanya at hinayaan na intindihin siya nung boyfriend niya.

Yung iced tea ko pa naman ay yung may kulay? Yung pink ba? Kulay pink tuloy ang malaking part ng blouse niya. Palihim akong napangisi.

May kinuha si Drew sa bag niya. Jacket. Pero, teka... "Jacket ko yan ah!" sigaw ko. Pinasuot niya ito kay Nicole.

Yun yung jacket na naiwan ko sa kanila dati nung nagovernight ako kina Drew.

"Nakita ni Mama sa cabinet niya." sabi lang ni Drew.

"Oh edi akin na." sabi ko sabay lahad ng kamay.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon