Chapter 9

57 2 0
                                    

12:05 am. Midnight. Room 201

Hindi ako makatulog. Kanina ko pa pinaglalaruan ang kamay ni Jordan. It was warm. I put her hand on my face and I kissed it.

4 weeks and 3 days. Ganun katagal siyang tulog. Paniguradong paggising nito, gutom siya.

"School misses you. Briana misses you na daw. Your classmates visited you earlier. Nagiwan sila ng fruits and balloons. Did you hear them?" tanong ko.

Sabi ng Doctor, anytime, magigising na daw siya kaya I am patiently waiting.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Tito. Daddy ni Bela.

"Oh, iho, nandito ka pa pala?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Hindi ka uuwi? Madaling araw na ah." sabi nito.

Umiling ako. "Hindi na po muna." sagot ko. Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko.

"Umuwi ka na muna. Nakakahiya na sa magulang mo. Ako na muna ang magbabantay kay Jordan." sabi niya. Tumango naman ako at nagpaalam kay Jordan at sa Daddy niya bago umalis ng ospital.

Pagkarating ko sa bahay, sarado na ang ilaw. Umakyat ako sa kwarto ko at sumalampak agad sa kama. Dun na ako nakaramdam ng antok.

---

6:45 am.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumayo ako mula sa kama. Suot ko pa din yung damit ko kahapon. Hindi na ako nakapagpalit dahil sa sobrang antok. Naligo ako at nagtoothbrush. Nagbihis na din ako ng panlabas.

Pupunta ako sa ospital ngayon. Bibisitahin ko ulit si Jordan. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar agad. Bumisina ako para buksan ang gate. Agad naman binuksan ni Manong.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa ospital. Pinindot ko ang second floor. Pagkarating ko dun ay pumunta ako sa kwarto ni Jordan. Maraming tao dun. Si Drew, Nicole, Brian at ang magulang ni Jordan. Pumasok ako sa kwarto.

At gulat, saya at excitement ang naramdaman ko. Gising na si Jordan. Nakangiti siya habang kausap sina Brian.

"Jordan..." sambit ko.

Napatingin siya sakin pati na din yung iba. Tumihim si Tita, mama ni Jordan. "Iwan muna natin sila." sabi nito bago umalis na sinundan naman ng iba pang bisita ni Jordan. Inirapan pa ako ni Brian.

Nakasimangot siya. Hindi na siya nakangiti tulad nung kanina.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi naman siya kumibo. "I missed you."

Bumitaw ako at tinignan siya sa mata. Umiwas naman siya ng tingin. "Hey, look at me." sabi ko.

Umiling lang siya. "Why?" I asked.

"Kapag tinitignan kita at naririnig ang boses mo, sumasakit ang puso ko at naiiyak ako." sabi niya. Tumuwid ako ng tayo. "Wag muna ngayon, please. Saka na kapag handa na ako.." sabi ko.

"I'm sorry..." sabi ko. I didn't know what to say. She didn't want to see me or hear me.. "I'm sorry..." ulit ko bago lumabas ng kwarto.

Doon ko nakita ang mga magulang niya na ngumiti ng malungkot sakin. I smiled back kahit pilit. Drew was also there. Ang lalaking mahal ni Bela. Nicole was beside Drew too.

I left the hospital feeling the same feeling four years ago. Sad, lonely and shattered.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon