Chapter 35

74 0 0
                                    

Isang linggong absent si Chance. Walang nakakaalam kung bakit. Ni hi ni ho wala din. Chineck ko ang mga account niya sa social net working sites niya pero walang update. I sighed. Nasa mall ako ngayon at inaabala ang sarili ko. Buong linggo ko kasing iniisip si Chance.

Hindi padin kami nagpapansinan nila Daddy at Mommy. Well, sumasagot naman ako sa mga tanong nila pero hanggang doon na lang yun. Malapit na din ang graduation. Actually, bukas na ito.

Napagdesisyunan ko na pumunta sa isang restaurant. Kakain muna ako. Nagorder na ako at hinintay na lang ang pagkain. Dumating naman ako agad at natuwa naman ako sa bilis ng kanilang service. Nagsimula na akong kumain.

"Jordan?" Nag-angat ako ng tingin. "It is you! Hi!" lumapit sakin si Luna. How could I forget her? Siya ang babae na inaya si Chance for dinner.

"Babe, it's your friend Jordan." Tawag nito sa isang lalaki. Tinignan ko iyon and I was surprised to see Chance. He was wearing faded jeans, a white shirt and black converse. "Chance..." I said. He looked at me but there was no emotion in his eyes.

"Is it okay if we sit here?" tanong ni Luna. Tumango naman ako dahil wala nanaman akong choice. She was already sitting in the other side of the table. "Babe, sit down. Don't just stand there." Hinila nito si Chance paupo. They ordered food while I ate.

They were being all sweet infront of me. Chance was smiling at Luna at ganoon din si Chance. "You are so sweet." sabi ni Luna at pinisil ang ilong ni Chance. Chance. pulled Luna closer. Hello? Parang wala silang kasama dito ha. Luna kissed Chance on the tip of his nose and that made Chance smile more. "I love you." Luna said. Before Chance could answer, I immediately stood up. Nilabas ko ang wallet ko and I left some bills there. "I'll be leaving. It was nice seeing you two." sabi ko at dali daling lumabas ng room.

Hindi pa ako nakakalayo ng restaurant ay may humila sa braso ko. "What the hell is the problem with you?" Tanong ni Chance. Nagtaas ako ng kilay.

"The problem with me? I should be the one asking you that." sabi ko and I looked at him. "Look, Chance. Kung yun lang ang itatanong mo sakin mas mabuti pang bitawan mo na ako kasi hindi ko sasagutin iyang tanong mo." sabi ko ng may diin.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Tumalikod na ako pero hinila niya ulit ako. "You are not going anywhere. Ano ba ang problema mo? Kanina ko pa napapansin ang mga masasamang tingin mo kay Luna which made her uncomfortable!" He shouted. Pinagtitinginan na kami ngayon.

"Eh gago ka pala. Hindi mo ba naisip na hindi din ako kumportable sa set up nating tatlo? Pinaasa mo ako Chance. Akala ko ako ang gusto mo pero hindi pala. Anong nangyari? Nakita mo lang si Luna nawala na yung Chance ko! Nawala ka ng isang linggo Chance! Hinanap kita, tinext kita, tinawagan pero ni hindi moko sinasagot. Naisip mo ba kung anong naramdaman ko?! Ha!

"Hindi diba? Kasi busy ka kay Luna! Nakakainis, Chance. Nakakafrustrate! All this time akala ko ako ang gusto mo eh leche hindi naman pala! Nagpaloko ako sa'yo! Akala ko gusto mo ako yun pala hindi! Eh tanga ako kasi mahal kita! Mahal na kita! Mahal ko ang lalaking hindi naman ako mahal!" sigaw ko.

"Tapos ka na?" He coldly asked me. I was taken aback by his coldness. Hindi man lang ba siya nagulat o natuwa sa narinig niyang mahal ko siya? Baka naman hindi niya ako gusto talaga. Was he faking? "Wala akong pakielam sa nararamdaman mo, Chance. Wala. I'm inlove with Luna and I'm sorry that your feelings are unrequited." sabi niya.

Namumuo na ang luha sa mata ko pero I blinked them back. Ayokong makita niya na umiiyak ako. I don't want to look weak infront of him habang siya naman ay cold na cold.

"Oo. Tapos na ako." sabi ko at mabilis na tumalikod. My heart hurt. This was my first heartbreak. People were looking at me. Taas noo akong umalis doon hanggang sa makarating ako sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse.

---

Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko si Mommy at Daddy watching TV sa salas. "Mommy, Daddy. Payag na ako sa gusto niyo. Sa States na ako mag-aaral." sabi ko. Nagulat silang dalawa sa sinabi ko pero hindi ko na iyon pinansin at tumuloy na lamang sa kwarto at doon ako nag-iiiyak.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon