From: Chance AlvarezI'll be fetching you.
Kumunot ang noo ko ng buksan ang message ni Chance. Nagcompose ako ng bagong message.
To: Chance Alvarez
No need.
I hit send after. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa pumasok ang isa sa mga kasambahay namin sa kusina.
"Ma'am Jordan, may naghahanap po sa inyong lalaki. Zach daw po ang pangalan." sabi nito.
My eyebrows shot up. Tinignan ko si Mommy at si Daddy na tumayo at papunta na ng pintuan. Uminom ako ng tubig bago sila sundan.
Pagkalabas namin. Chance was standing infront of the gate. Tumayo siya ng tuwid ng makita niya kami.
"Good morning po. I'm here to fetch Jordan." Magalang nitong sabi kina Daddy.
"You're?" tanong ni Daddy kay Chance.
"Anak yan ni Anne. Bestfriend ko nung college." bulong ni Mommy kay Daddy.
"Chance Alvarez po. Schoolmate po ni Jordan." sagot ni Chance. Nakipagkamay siya kay Daddy.
"Matagal pa ba iyan?" isang boses ang nagsalita sa likod ni Chance. Tumingin ako dun at nakita ko si Nicole na nakaupo sa shotgun seat. Bukas ang bintana ng pintuan ng kotse kaya kita namin siya.
"You're with her, ijo?" tanong ni Mommy habang nakatingin parin kay Nicole. Masama ang tingin nito sa dalaga.
Siguro galit padin si Mommy sa nangyari dun sa bahay nila Drew.
"Ah, yes po. Si Nicole po. She's my girlfriend." sabi ni Chance.
Mabilis akong napatingin kay Chance. Sila na pala? I felt a pang of pain in my chest. Kailan pa?
"You're together?" tanong ni Daddy. Tumango naman si Chane. "Kung ganoon ay hindi sasabay sa'yo ang anak ko. Joseph, ikaw na ang maghatid kay Jordan." sabi nito sa driver.
Halatang nabigla si Jordan sa sinabi ng Dad. Kahit ako ay ganoon din. Mommy was just looking at us habang hinihintay ko ang maghahatid sakin na kunin ang kotse.
"Dad?" sabi ko. Tumingin siya sakin at nanlambot ang expression ng mukha niya.
"We won't let you in the same car with a girl who strangled you and hurt you before, anak. Baka may mangyari sa'yo." sabi nito.
I held his hand and smiled at him tapos umiling. "I'll be fine, Dad. I know how to defend myself." sabi ko. He sighed bago tumango.
Nagpaalam ako kay Mommy. "Take care, anak." sabi nito. Tumango lang ako at ngumiti bago sumakay sa kotse ni Drew. Sa likod ako umupo dahil may demonyo, este, tao sa unahan.
Tinabi ko ang bag ko at hinintay na paandarin ni Chance ang kotse.
"Bakit hindi ka pasabayin ng magulang mo?" biglang tanong ni Chance.
"Baka daw saktan ulit ako ng girlfriend mo. Alam mo naman sina Mommy, pag may nanakit sakin baka ipapatay nila o kaya ay gagawing miserable ang buhay nung taong yun." sagot ko. Tumingin ako sa labas ng bintana.
"Jordan." pagwawarn ni Zach.
"What? Tunay naman ah?" sabi ko ng pataray.
"Bakit ba ang bitch mo? Ang aga aga pinaiinit mo ang ulo ko." biglang sabi naman ni Nicole.
"Ay? Ako pa ang bitch?" sabi ko. "Tsaka tanghali na. Ano ka? Hindi ka marunong magbasa ng relo?"
"Nakakainis ka na ha!" sigaw niya. Nilingon niya ako. Namumula na ang mukha nito sa galit habang ako naman ay calm padin ang mukha.
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...