Days have passed. Wala namang nagbabago. Same treatment padin galing sa mga kaklase ko. Si Grey, naging kaibigan ko na. Si Drew at Nicole wala padin. Si Chance ayun, paiba iba ang girlfriend. Madalas ko ngang nahuhuli na nagPPDA sila sa campus.
Minsan nga nakakainis na si Chance eh. Pagkatapos niya ako halikan eh biglang nag-iba na. Paasa talaga kahit kailan. Pero kahit nakakainis na siya ay miss ko padin ito.
Mag-isa lang akong naglalakad dito sa campus. Gusto ko lang umuli umuli dahil matagal pa naman bago ang first class ko. Ayoko naman tumambay sa library hanggang magsimula ang klase. Nakakainip.
Adventorous din ako kaya naisipan ko pumunta dun sa madidilim na part ng school. Yung mga pagitan ng buildings. Ganun.
Nakarinig ako ng kalabog galing sa room. Nasa 5th floor ako. Hindi ito masyadong pinupuntahan ng mga estudyante kasi mataas nga. Hindi naman din dito nagklaklase. Minsan lang kapag kailangan ng room.
Pumasok ako sa room na iyon. Ang dilim. Tahimik kong kinapa ang switch ng ilaw sa gitna tabi tabi. Nung nakapa ko na ito, binuksan ko.
"Ay malanding baka!" sigaw ko.
Si Chance lang naman na may kahalikan na babae. Natigil sila dahil sa ilaw at dahil na rin siguro sa sigaw ko.
Lumapit ako sa kanila at sinabunutan si Chance palayo sa babae. "Leche ka! Ang landi landi mong hayop ka!"
"Ouch!"
"Hey!" sigaw nung babae sakin at akmang lalapit sakin ng tinignan ko siya ng masama.
"Ikaw naman, hindi ka na nahiya! Easy to get! Jusko po! Malalandi. Maharot! Nakakainis!" sabi ko habang turo turo siya.
"Who are you ba?!" sigaw niya pabalik. Nakapamewang na siya ngayon habang nakatingin sakin.
"Wag mo ako maconyo conyo diyan!" Tumigil ako dahil dumaing si Chance. Hawak ko padin kasi ang buhok niya. "Wag ka maingay!" sigaw ko sa kanya. Tinignan ko ulit yung babae.
"Baka gusto mo ipukpok ko ang heels mo siya ulo at pagmumukha mo?! Hala! Alis! Sige!" sabi ko. Inirapan niya pa ako bago umalis.
Aba! At may gana pa siyang umirap!
"Let go of my hair, Jordan!" sigaw ni Chance. Marahas ko naman binitawan ang buhok niya. Pinagpag ko ang kamay ko sa pantalon ko dahil may buhok dun si Chance.
"What the fuck, Jordan?! Bakit ba basta ka nanabunot?!" tanong niya.
"Aba! Eh akala ko ba gusto mo si Nicole eh wala ka namang ginagawa kundi magpapalit palit ng girlfriend at manghalik ng ibang babae?!" sigaw ko.
"Ayaw nga niya eh!" sigaw niya pabalik.
Ngayon lang ako nakaencounter ng playboy na hindi alam ang gagawin para mapa sakanya ulit ang ex niya.
"Eh di gumawa ka ng paraan! Susko po." giit ko.
"Tss." sabi niya bago umiling at lumabas ng room.
Iiwanan pa ako eh! Sumunod ako sa kanya at sumabay sa paglalakad.
"Walang alam gawin kundi ang paglalandi. Paano kung nakita ni Nicole yan? Edi wala din ang pinaghirapan natin noon? Nandun na eh. Kaunti na lang." sermon ko.
Hindi naman niya ako sinasagot kaya diretso lang ako ng pagsesermon sa kanya.
"Pakita mo sa kanya na mahal mo pa siya. Ipakita mo kay Drew na aagawin mo si Nicole. Tutal, playboy ka naman, kaya mo yun." sabi ko sa kanya.
Tss lang siya ng tss hanggang sa makababa kami ng building na iyon. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa may lovers lane.
"Ang daming nagPPDA. Susko po! May mga motel, guys. Baka gusto niyo dun?" sabi ko at umirap sa kawalan. Nakakainis kasi. Bitter na kung bitter wala kayong pake.
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomantizmJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...