"Ayan! Maganda na ang anak ko!" sabi ni Mommy. Kakatapos lang ni Mommy mag make-up sakin. Light lang ito dahil ayoko masyado ng mamake up. Suot ko din ang isang black na dress na sa taas ng tuhod ko ang haba. Simple lang ito pero maganda.
I smiled at Mommy. Graduation na namin ngayon and I was happy because finally, hindi na ako highschool. Magcocollege na ako. "Oh sya, Maiwan na kita ha. Baba ka na lang." sabi ni Mommy at iniwan ako dun. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. My hair was curled and I liked it. I smiled bitterly. This is going to be the last time that I'll be seeing Chance at sisiguraduhin ko iyon.
I sighed. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesa pati na rin ang toga at cap ko. Lumabas na ako ng kwarto at ng bahay. Naabutan ko si Kuya na naka jeans lang at polo shirt. He looked at me and smiled. "Gragraduate ka na." He said. I smiled and he hugged me. "Nasa loob na sila Daddy. Tara. Sakay na tayo." Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto at pumasok naman ako doon.
Nang makarating kami ng school ay pumasok na kami sa auditorium. Pinapila muna kami pagkatapos ay isa isa kaming pinaakyat sa stage. Umupo kami sa mga seats namin pagkatapos. By section kasi iyon.
Marami pang nagspeech at nagperform sa unahan bago pa magsimula ang bigayan ng mga certificate. Matagal ang hinintay bago tawagin ang section namin. Isa isa kami umakyat sa stage. Nang turn ko na ay hinanap ng mata ko si Chance na nakatingin lamang sakin. Nag-iwas ako ng tingin at nagbow tapos umalis na sa stage. Bumalik ako sa pwesto ko.
Nang matapos na ay lumapit sakin amg mga magulang ko pati na rin ang mga kaklase ko. Nagpapicture sila sakin. Nahagip ko naman ng mga mata ko si Chance na kasama si Luna ngayon. Magkayakap ang dalawa at kasama din nila sina Tita Anne.
"Jordan,papicture." sabi ng isang lalaki. Pumayag naman ako at ngumiti sa camera. Pagkatapos nun ay umalis na ito.
"Congratulations, anak!" sabi ni Mommy at mahigpit akong niyakap. I hugged her back. Ganun din si Daddy. Niyakap ko din siya pabalik.
"Dun lang kami ng Mommy mo sa labas ha? Sunod ka na lang." sabi ni Daddy. Tumango naman ako at umalis na sila.
I looked at Chance who was now busy talking with his classmates. "Jordan, congrats! Graduate na tayo!" sabi sakin ni Drew at mahigpit akong niyakap. Napatingin ako kay Chance na nakataas na ang kilay ngayon pero nag-iwas agad ito na tingin.
"Oo nga. Congrats din sayo." sabi ko and I smiled. "Saan ka magcocollege?" He asked. Ngumiti ako ng tipid. "Sa States" I said.
He was schocked. "Talaga? Sosyal mo naman. Goodluck. Ingat ka dun ha!" He said. Tumango ako.
"Salamat. Ikaw din. Goodluck din sa college. Sana friends padin tayo." sabi ko. Tumango naman ito. "Sige. Una na ako. See you when I see you." sabi niya bago umalis.
Lumabas na din ako ng auditorium pagkatapos. Nakita ko si Mommy at si Daddy sa may kotse. Pati na din si Kuya. Pagkakita nila sakin ay agad silang sumakay sa kotse. Sumunod naman ako sa kanila.
Nang umandar ang kotse ay hindi na ako nag-abala pang tumingin pabalik. I'm leaving everything here now.
----
Tapos na ako magimpake ng gamit. It was 3 in the morning at ang flight ko ay 5 ng umaga. Pumasok si Kuya sa kwarto ko. "Tapos ka na?" He asked. Tumango naman ako. Kinuha niya ang maleta ko at lumabas ng kwarto. Kinuha ko naman ang maliit na bag ko at lumabas na ng kwarto.
Nasa baba si Mommy at Daddy. Hindi sila sasama sa paghatid sa akin sa airport. Si Kuya lang. "Mamimiss kita, anak." sabi ni Mommy at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko naman ito pabalik.
"I will miss you too, Mommy." sabi ko. Kumalas na siya sa yakap kaya si Daddy na ang niyakap ko.
"Alis na ako, Dad." sabi ko. Tumango naman silang dalawa. "Mamimiss ko kayo. Don't worry. I'll call you when I get the chance to."
"Please, do." sabi ni Mommy. Hinalikan ko sila sa pisngi at nagpaalam na. Sumakay ako sa kotse habang si Kuya ay nilalagay ang maleta ko sa likod. Sumakay na siya agad kaya nagkabit na ako ng seatbelt.
4:53 na ng makarating kami sa airport. Medyo malayo kasi ang airport sa bahay namin. Tumigil kami sa papasok na ng eroplano. "Bye, Kuya. Mamimiss kita." sabi ko at yumakap kay Kuya. He hugged me back naman.
"I'll miss you too, bunso. Wag kang gagawa ng kalokohan doon ha? Mag-iingat ka dun and call us kapag hindi ka busy." sabi niya. Tumango naman ako. I waved goodbye at kinuha na ang maleta ko. Hinila ko ito at pumasok na ng eroplano.
Nilagay ko ang maleta ko sa compartment pati na rin ang isa kong bag. Umupo na ako pagkatapos. Once the plane started to move, nagpromise ako sa sarili ko na magmomove on na ako. Kalilimutan ko ang lahat lahat at pagbalik ko dito sa isang araw ay wala na. Bago na ako.
This will be the first and last time that my heart will beat for Chance Jake Alvarez.
---
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...