Guys, talo si Pacquiao. Huhuhuhu. Kainis. Oh eto, na. Medyo natagalan ang update dahil nanood pa ako ng laban. Haha.
--
"Here." abot sakin ni Chance ng bote ng tubig. Nasa may park kami ng school. May part din kasi dito na kindergarten. Malaki naman ang school namin kaya kasya ang kindergarten dito. May mga yaya dito at mga Mommy na hinihintay ang mga anak o alaga nila.
"Ang init." sabi ko. Wala kasing roof ang park na ito. "Gusto mo lumipat tayo dun?" Tanong niya. Tinuro niya yung part ng park na malilom. Tumango ako kaya lumipat kami dun.
Tapos na ang practice namin at wala nading klasw. Hindi ko nakita si Grey ngayon at si Vivienne. Marami kaming narinig na balita tungkol kay Grey at kay Vivienne. Ang alam ko ay nakatira na si Vivienne sa condo ni Grey sa may Makati. Yun lang ang alam ko. Hindi ko pa kasi nakakausap si Grey.
"What are you thinking?" Tanong ni Chancef sa tabi ko. Nilaro ko ang bote ng tubig na nasa binti ko. "Si Grey lang." sagot ko.
He made a face. "Si Grey? I thought you were over him?" Sabi nito. Inirapan ko ito. "Over na ako dun. Iniisip ko lang ang kalagayan nila ni Vivienne. Naawa din ako kay Vivienne."
He sighed. "Kung ako siguro ang nakabuntis ng junior baka bugbog sarado ako kay Daddy. Baka putulin din ang credit card ko at mawalan ako ng mana." sabi nito at biglang tumawa ng mahina.
"Virgin ka pa ba?" I suddenly asked. "Hindi." mabilis niyang sagot.
I made a face. Syempre, lalaki iti at gwapo pa. Imposible naman na virgin pa ito. I rolled my eyes. Ang mga lalaki talaga. Wala atang lalaki na virgin ngayon sa school namin eh. Kahit nerd ata ay hindi na virgin.
Napagdesisyunan namin na umalis na. Ilang weeks na lang ay gragraduate na kami. Hindi pa ako nakakabili ng dress for graduation. Sabi sakin ni Mommy sa Sabado na lang daw kami bibili. Si Mommy na din ang magmamakeup sakin sa graduation ko.
"Lapit na tayo maggraduate. San ka magcocollege?" tanong ko kay Chance. "I don't know." sagot niya.
"Hindi mo alam eh malapit na tayong maggraduate." sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang ito.
Sumakay kami sa kotse niya. Sinabi na niya kasi sa driver namin na wag na sunduin ako after class dahil siya na daw ang maghahatid samin. "Where are we going?" Tanong ko sa kanya.
Hindi kasi ito ang daan papunta sa village namin. "Mall." sagot nito at niliko ang kotse. "Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ko. "Iuwi mo na ako. Naka mapagalitan ako ni Daddy."
"Hindi yan." simpleng sabi niya at nagpark. Tinanggal niya ang seatbelt niya at ganun din ako. Bumaba na kami ng kotse. Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng lamig ng aircon.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa isang shop. "Choose anything." sabi nito bago ako iwan doon. Nagpunta siya sa mga men's wear. Nang napansin niya na hindi ako gumagalaw ay nagsalita na siya. "Magpapalit tayo ng damit. Gusto mo ba na umuli tayo sa mall wearing our uniforms?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
Inirapan ko siya bago mamili ng damit. Pagkapili ko ay nagpunta na ako sa fitting room at doon na nagpalit. Pagkalabas ko ay wala si Chance doon. Kala ko pa naman siya ang magbabayad ng damit ko. Lumapit ako sa counter at inabot ang mga tag sa babae. Binayaran ko din yun pagkatapos.
Hinanap ng mata ko si Chance at hindi naman ako nabigo. Nasa may labas siya ng shop. May kausap itong babae na wavy ang buhok at may suot na dress. Lumapit ako sa mga iyon. Maganda ang babae. Maliit ang mukha, mapupula ang manipis na labi niya. Singkit din at maputi. Mas maliit ito sakin.
Tumikhim ako kaya napatingin sakin yung dalawa. Tinignan ako ni Chance from head to toe. "You're done?" Tanong niya. Tumango naman ako at tumingin sa babae na kanina lang niya kausap.
"Jordan, this is Luna. A friend of mine." sabi ni Zach pero hindi siya sakin nakatingin. Kay Luna at ngiting ngiti ito. "Hi, I'm Luna! Nice to meet you." Inabot niya ang kamay niya at nakipagkamay sakin. Lalong maganda ito kapag nakangiti. Nahiya tuloy ako sa itsura ko.
"Sige. I have to go na. It was nice seeing you again Chance." sabi nito kay Zach at matamis na ngumiti. Ngumiti naman pabalik si Chance kay Luna.
Nung makalayo na si Luna ay tinignan ko si Chance. He looked at me and he arched a brow. "Bakit?"
Inirapan ko siya at naglakad palayo. Mukhang ex niya o crush niya yung Luna. I made a face. Edi magsama sila. Ako ang magmamall ng akin. San kaya makapunta?
"Hey," Tawag sakin ni Chance. Hindi ko ito pinansin. Tinignan ko lang ang mga shop na nasa mall. Saan kaya makapunta? "Huy."
Nilingon ko ito. "What?" I asked. Kumunot naman ang noo niya. "Can you slow down?" Tanong nito. Hindi ko ito pinakinggan. Bahala siya dyan. Napatigil ako ng paglalakad ng pumunta siya sa harapan ko.
"Ano ba!" sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. "What is your problem?" He asked me. Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba't, tinatanong pa." Bulong ko.
"What did you say?" tanong niya at hinuhuli ang mga mata ko. "Wala!" sigaw ko at nilagpasan siya. Sumunod naman siya sakin. He held my hand at pilit kong tinatanggal yun pero mahigpit ang hawak niya dito.
"Saan tayo?" he asked. Kainis itong lalaking 'to. Dapat dun na lang siya sumama kay Luna. Tutal, halata namang miss na nila ang isa't isa. Leche.
"I don't want to be with Luna." sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Huh?" I asked. He looked at me. "You were voicing at your thoughts." sabi niya na kinalaki ng mata ko. Shet? Talaga? Sinubukan ko ulit tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero ayaw padin niyang bitawan.
Bakit naman ayaw niya kasama si Luna? Mas maganda kaya ito sa kanya. Tsaka chinita yun. Sexy pati. Hindi katangkaran pero bawing bawi naman sa ganda. Naiinsecure tuloy ako.
"Don't be." sabi niya. Kunot noo ko siyang tinignan. "Don't be insecure." Did I voice at my thoughts again? "Kahit madami pa na magagandang babae ang dumaan sa harapan ko, hindi ko sila papansin. Kahit madami pa na lumapit sakin at makilala ko na magaganda na babae, ikaw padin ang pinakamaganda para sakin." He said and his held tightened.
---
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomantiekJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...