Chapter 17

71 3 0
                                    

"Jordan,"

Tumigil ako sa pagbabasa at tumingala. Tumaas ang isa kong kilay ng nakitang si Drew ang nasa harapan ko. He looked, well, wasted. Mukha din siyang puyat.

"Oh?"

Umupo siya sa silyang katapat ko at tinignan ang binabasa ko.

"Anne Frank, huh?" sabi niya. I rolled my eyes inwardly.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

Bumagsak ang mga balikat niya and he sighed. "Break na kami."

Nanlaki ang mga mata ko. Break na sila? Sinong nakipagbreak? Bakit? Si Chance ba ang dahilan?

"If you're wondering kung sino ang nakipagbreak. Ako. Bakit? I saw her conversation with Chance sa phone and sa Facebook. Minsan ko na din silang nahuli na magkasama sa labas." sabi nito.

So si Chance nga ang dahilan? Edi ibig sabihin single na si Nicole? Pwede na sila ni Chance? What?! No!

"Mahal mo pa?" I asked him. Tumango naman siya.

"Pero, ayoko na dahil ramdam ko na hindi na niya ako mahal." sabi nito. He really looked sad.

Kaya pala hindi na nagtetext sakin si Chance. Busy siguro kay Nicole. Hmp!

Gusto ko mapasakin si Chance pero ayoko naman gawin yung dati kong plano. Alam ko naman kasi na hindi ako gusto ni Chance at kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Pero ano yung halik? Wala lang? Trip lang niya kasi ako yung kasama niya nun? Eh, leche! First kiss ko kaya yun!

Hinayaan ko lang si Drew magkwento. Sweet daw yung palitan ng message nung dalawa tapos nahuli nga niya ng tatlong beses na magkaholding hands o magkalandian sa mall. Syempre, bilang si Drew ay si Drew, hinayaan lamang niya. Inintindi niya daw. Sabi ko sa kanya na ang tanga niya. May text na at nahuli pa niya sa personal tapos intindi? Sinamaan niya ako ng tingin kaya nanahimik ako.

"Hanggang sa yun nga, nakipagbreak na lang ako kasi ramdam ko na hundi na niya ako mahal. 'Okay' lang ang sabi niya bago umalis. Parang hindi siya nasaktan. Natuwa pa nga ata dahil break na kami. Siguro sila na ni Chance ngayon." sabi nito.

Tumango lang ako. Buti na lang at hindi ito umiyak. Hindi kasi ako magaling magcomfort.

"Magmomove on ka na lang. Ang dami daming babae dyan na may gusto sa'yo." sabi ko.

Tinignan niya ako. "May gusto ka pa ba sakin? Ika--"

"Woah, woah. Una sa lahat. Ayoko maging rebound. At pangalawa, hindi na kita gusto." pangunguna ko.

He chuckled. "Siguro tama ka, magmomove on na lang ako. Sa pogi kong ito, madali akong makakahanap ng iba." sabi niya.

I rolled my eyes inwardly once again. Sinabihan ko siya ng mahangin. Tumawa lamang ito bago umalis sa harapan ko. I continued reading my book ng may umupo ulit sa tapat ko.

"Oy." sabi nito.

"Ano? Can't you see I'm reading? Layas. Shoo. Go away." Pagtataboy ko with matching hand gestures pa.

"Tss. Kausap mo si Drew kanina." sabi nito. Kunot noo ko siyang tinignan.

"Oh eh ano? Alam mo, Chance. Kung guguluhin mo lang ako mas mabuti pa na lumayas ka na lang at bumalik sa Nicole mo." sabi ko.

"Ah. So ganyan ka na?" sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. I flipped the page gamit ang thumb ko.

"At bakit naman napasali si Nicole sa usapan natin? We're talking about you and Drew!" sabi nito.

"Shh!" sita ng librarian kay Chance na maingay. Alam naman na nasa library, sigaw na ng sigaw. Tanga lang?

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon