Chapter 25

52 3 0
                                    

"Ano yun?!" Pasigaw na tanong sakin ni Chance ng makalapit siya tinatayuan ko. Inirapan ko siya at pinamewangan.

"Alam mo? Para karing si Grey eh. Basta sumusulpot! Ang pinagkaiba niyo na lang, si Grey sumusulpot kapag kailangan ko, eh ikaw? Sumusulpot ka kapag di naman kita kailangan!" Sigaw ko.

"Don't compare me with a guy who has a name for a color!" Sigaw nito pabalik. Oh so sigawan kami? Sige ba!

"Excuse me. Gray ang color! Grey pangalan! Magkarhyme lang sila! Tsaka wag mo nga siyang tawagin na ganun. Grey ang pangalan niya. Grey! G.R.E-"

"I know how the spelling, woman! I'm not stupid!" Sigaw nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Aba? Sinabi ko ba na stupid ka? Wala naman diba? Sira ulo ka ba?!" Tanong ko. Pag nainis ako dito baka maihampas ko pa sa kanya ang hawak kong diorama.

"Stop shouting!" Sigaw niya. Eh tanga pala ito eh. Stop shouting daw eh pasigaw naman niya sinabi. Konting konti na talaga 'to sakin!

"Stop shouting mukha mo! Ikaw ang nagsimula kaya ginaya lang kita! Lecheng 'to! Anong karapatan mo na sigawan ako?! Hindi ka naman si Daddy o si Mommy o si Kuya! Bakit mo'ko sinisigawan? Inaano ba kita?! Kung gusto mo sumigaw dun ka sa malayo! Sa bundok! Hindi yung sakin ka kaagad didiretso kapag gusto mo sumigaw! Mababasag ang eardrums ko dahil sa'yo!" sigaw ko pabalik. Hinihingal ako pagkatapos kong sabihin yun. Ang bilis naman kasi ng pagkakasabi ko tapos may sigaw pa nga.

"I'm sorry for shouting at you. I didn't mean it. Nagalit lang ako sa nakita ko.." He said.

Kunot noo ko siyang tinignan habang humihinga ng malalim. "A-ano...naman ang n-nakita...whoo. Teka. Hihinga muna ako. Huminga ako ng huminga hanggang sa maayos na ito. Tumuwid ako ng tayo. "Ano naman ang nakita mo na ikinagalit mo?"

"That guy kissed you." Sabi niya at nag-iwas ng tingin. Tumaas ang kilay ko. Nagalit siya dun? Bakit naman? Nagseselos kaya siya? Teka.

"Bakit naman? Ano namang masama kung halikan ako ni Grey?" Tanong ko. Hinabol ko ang tingin niya pero ayaw talaga magpahuli.

"Wala lang. I mean, it's not a big deal...well..." He stopped and sighed. Pumikit siya tapos tinignan ako. "I don't like the idea of other guys kissing you." Sabi niya.

"Luh? Bakit naman? Boyfriend ba kita? Eh kaibigan ka nga lang eh." Sabi ko. Natigilan siya sa sinabi ko. "Teka nga pala. Bakit ka ba nandito? Hindi ba dapat hinahatid mo si Nicole?" Tanong ko.

"We broke up." Sabi nito. Break na sila? Eh? Talaga? "She cheated on me with a guy named Jake." Sabi nito.

"Aw. Kawawa ka naman pala." sabi ko. "Hayaan mo. Hindi ka naman deserve nung bruhang yun. Sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. This time, tunay na ngiti na.

"Baby girl? Jordan?" Tawag ni Kuya.

"Hala! Si Kuya andyan na. Sige. Layas ka na bago ka pa makita nun. Iinterviehin nanaman ako nun tungkol sa'yo!" Umalis na siya bago pa mabuksan ni Kuya ang gate. "Sino kasama mo?" Tanong nito.

"Huh? Wala." sagot ko. Kumunot ang noo niya hanang kinukuha ang diorama na bitbit ko. "Eh sino yung kausap mo?" I looked at him at ngumiti. "Kausap ko sarili ko. Alam mo naman ang kapatid mo, baliw." I joked. Tumawa naman si Kuya at pumasok na kami.

---

"Last na talaga." Nilagyan ko ng glue ang ibaba ng maliit ng bench pagkatapos nun ay dinikit ko na siya sa styro. "Charannn!" Pumalakpak pa ako.

"Para kang tanga." Sabi ni Kuya. Nakasandal siya sa may pintuan. Naiwan ko palang bukas ang pintuan ko. Bineletan ko lang si Kuya at binalik ang tingin sa diorama.

"Ganda ganda oh! Ang cute cute! Parang ako." Sabi ko. Nag-tss si Kuya. "Conceited." Sabi niya. Umalis na siya sa may pintuan. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan pagkatapos nun ay sinend ko sa group chat namin.

Kim: Ayan! Thank you, Jordan :)

Trisha: Taas siguro ng grade natin! Ganda eh!

Lyn: Huwaaaaw!

Yung iba naman ay seen na. Lecheng mga yun. Binaba ko na ang phone ko at nilagay ang diorama sa lugar na hindi ko maapakan o masasagi man lang. Iniisip ko pa lang na masisira siya ay nanlulumo na ako. Ang paghihirap naming maggrupo ay masisira lang dahil nasagi ko.

Nilinis ko ang mga nagkalat na papel at sirang popsicle stick at nilagay sa isang plastic para matapon ko mamaya. Nagwalis na din ako. Pagkatapos nun ay napagdesisyunan kong magshower. Ang lagkit kasi ng pakiramdam ko.

Pagkatapos ko magshower ay nagtuyo na ako ng buhok. Kinuha ko ang phone na nasa may vanity mirror at binuksan ito. Puro notifications lang naman from twitter at instagram. Binuksan ko ang iba ko pang sns at nagscroll lang ng nagscroll. Nang magsawa na ako ay binaba ko na ito at nagpatuloy sa pagsusuklay.

"Anak, kakain na." Pumasok si Mommy sa kwarto I smiled at her. Pumunta siya sa likod ko at siya na ang nagsuklay ng buhok ko. "May boyfriend ka na, anak?" Tanong niya.

"Ma, naman." Sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti sa salamin. "Walang magkakamaling pumatol, sakin noh." Sabi ko.

"Si Jordan naman, napaka negative. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Ang ganda mo kaya. Mana ka sakin." sabi nito. Tumawa lang ako at ganun din siya. Pagkatapos nun ay bumaba na kaming dalawa para kumain.

Naabutan namin si Kuya at si Daddy na naguusap doon. Seryoso ang mga ito. "Ano naman ang pinaguusapan ninyong dalawa?" Tanong ni Mommy. Umupo ako sa tabi ni Kuya at si Mommy naman ay sa tabi ni Daddy.

"Sa negosyo lang po, Ma." Sagot ni Kuya.

"Hay naku. Kayong dalawa talaga. Manang mana ka Dustin sa Papa mo. Puro negosyo. Bonus na din yung magkamukha kayo. Magkaugali na, magkamukha pa!" sabi ni Mommy. Tumawa naman si Daddy at si Kuya.

"Dapat Abelardo Jr. na lang ang ipingalan ko sa'yo eh." sabi ni Mommy kay Kuya. Napangiwi naman si Kuya at ako.

"Ma, ang pangit. Junior? Okay na ako sa pangalan ko. Dustin." Sabi ni Kuya kay Mommy.

"Pangalang aso." bulong ko at tumawa ng kaunti. "Anong sabi mo, panget?" Tanong ni Kuya. Inirapana ko lang ito at nagtuloy na ng pagkain.

Miss ko rin 'to eh. Ang mangasar, maasar at yung mga paguusap naming pamilya kapag nasa hapag kainan. Nakakatuwa. Parang walang problema sa mundo.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon