"Aray!" Daing ni Grey ng dampian ko ng cotton ball na may betadine ang kanyang mukha.
"S-sorry..." Sabi ko. Napabuntong hininga ako. Kanina pa nakaalis si Chance. Pinapasok muna namin si Grey sa bahay dahil kailangan ko gamutin ang sugat sa mukha niya. Putok ang labi nito at may black eye din. Hindi ko mapigilan ang hindi mainis kay Chance. Bakit ba siya nandito kanina? Bakit bigla siyang nanuntok?
Tinapon ko ang cotton ball sa plastic na nakapatong sa coffee table. Umupo ako sa tabi ni Grey. "Ako na ang magsosorry sayo dahil sinuntok ka ni Chance. Minsan kasi may pagkabipolar iyon."
"Hindi dapat ikaw ang nagsosorry. Dapat siya." sabi nito. "Bakit ba yun nandito?"
"Taga dito rin siya sa village pero hindi ko pa nakikita yung bahay nila dito." sagot ko. Huminga ako ng malalim at tinignan si Grey. Nakatungo ito at tila may iniisip.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko. Umiling lang siya at bumuntong hininga. "Alam mo, pakiramdam ko ay may gusto iyang si Chance sa'yo." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko? Si Chance? Magkakagusto sa isang tulad ko? Parang napakaimposible naman ata nun.
Umiling ako. "Hindi ah. Imposible yun. Hanggang kaibigan lang ang tingin nun sakin." Sabi ko sa kanya. Umiling siya at tinignan ako. "Hindi, Jordan. Lalaki ako. Alam ko ang mga ganung tingin. Hindi mo ba siya napapansin na palaging nakatingin sa'yo tuwing recess? Minsan ko na nga siyang naabutan na nasa labas ng room ninyo."
Nasa labas ng room namin? Sino naman ang hinintay nun? Ako? Bakit naman niya ako hihintayin?
"I think he likes you." sabi niya. Umiling ako at hinawakan siya sa kamay. "Hindi yun. Hayaan mo siya, ganun lang talaga yun."
Ngumiti siya at tumayo. "Sige, Jordan. Alis na ako. Baka hanapin na ako samin." Tumayo ako. "Ha? Ah. Sige." Sabi ko. "Hindi ba magagalit ang magulang mo dahil dyan sa sugat sa mukha mo? Gusto mo itext ko sila para humingi ng sorry?"
Umiling ito at hinawakan ako sa kamay. "Hindi na. Ako na bahala na magexplain nito. Sige. Una na ako. Happy Monthsary ulit." Sabi niya bago lumabas ng bahay. Naguilty tuloy ako. First monthsary namin pero may mga natamo siyang suntok sa mukha. Lalo lang ako nainis kay Chance niyan.
---
Lumabas ako ng banyo habang nagsusuklay ng buhok. Nagshower ako kasi maghahanda na ako sa pagtulog. Friday bukas kaya medyo pahapon pa ang klase ko. Inaantok na kasi ako eh.
May kumatok sa pintuan ko. "Pasok." sigaw ko. Pumasok si Mommy. "Anak, nasa baba si Chance. Hinahanap ka. Kausap nga ng Kuya mo. Ano ba ang nangyari?" Sabi ni Mommy. Agad ko ibinaba ang suklay na hawak ko at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa sala. Nakaupo si Chance sa sofa. Si Kuya naman ay nakaupo sa maliit na sofa na katabi ng sofa. Nakaharap ito kay Chance. Si Daddy naman ay lumabas galing sa kusina kasama ang katulong namin. May dala itong tray ng juice.
"Bunso, gusto ka daw kausapin." sabi ni Kuya. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kinaroroonan ni Chance. Nakatingin lamang ito sakin. "Sumunod ka." Sabi ko. Hindi ko na siya hinintay pa. Dirediretso ako sa labas ng bahay.
--
Kanina pa ako naglalakad dito. Pakinig ko ang mga yabag ni Chance. Pumasok ako sa park at naupo sa isa sa mga benches dun. Tinabihan naman niya ako.
"So, Grey is your boyfriend." sabi nito.
"Oo. Boyfriend ko siya. Ano naman yun sa'yo?" Padarang kong sagot pabalik. Umiling lang siya.
"You're mad." sabi nito. I looked at him. "Malamang galit ako. Eh sinuntok mo si Grey eh!"
He chuckled. Aba't may gana pa talaga siyang tawanan ako ngayon? Kita na ngang galit ako at lahat. "You know, I'm not going to say sorry because I beat your one hell of a pussy boyfriend." Hinampas ko siya sa braso. "Aray!" Daing nito.
"I-im sorry. Hindi ko naman alam na may sugat ka diyan." sabi ko ng mahina at tumungo. "Hindi ayos lang hindi naman malala." Sagot niya.
"Ikaw kasi, bakit kinailangan mo pang sabihin pu..basta yun si Grey." He again, chuckled. "Kasi he hits like a girl. Hindi man lang ako nasaktan sa mga suntok niya. Can you see my face? May scratches lang pero hindi tulad nung sa kanya. Putok ang labi at may black eye." Sabi niya at umiling habang nakangiti.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ngumingiti siya habang umiiling. Ang cute niya kapag ganun. Nag-iwas lang ako ng tingin nug tumingin din siya sakin. Hindi na ako nagsalita pagkatapos, hindi din siya nagsalita.
"Say sorry to Grey." sabi ko. Tinignan niya ako na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. "What? Say sorry to him." Sumimangot ito at umiling.
"You do know that I'll never apologize for punching him, right?" sabi nito at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit? Kasalanan mo naman yun eh. Kung bakit mo naman kasi sinuntok agad yung tao eh hindi ka naman inaano. Kung gusto mo manuntok maghanap ka ng punching bag o kaya pagtripan mo yung unan mo sa inyo. Tss." Napairap ako sa kanya.
"Tss. Hindi ko na kasalanan yun. He kissed you that's why I punched him. I got mad." Sabi niya and he shrugged. Kumunot ang noo ko.
"May karapatan naman na halikan niya ako ah? Boyfriend ko siya kaya pwede niya ako halikan. Ikaw? Anong karapatan mo sakin at nagalit ka nung hinalikan niya ako?" Tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin. "Teka nga. Humarap ka nga sakin." sabi ko.
"Ayoko." sagot niya at lalong iniwas ang tingin sakin.
"Isa. Chance, kapag hindi ka humarap sakin hindi kita papansinin forever." sabi ko. Hindi niya padin ako tinignan kaya bumuntong hininga ako.
"Isa."
"Dalawa"
"Kapag nakatatlo ako hindi na talaga kita papansin. Tat-"
"Oo na, oo na. Nakaharap na oh." galit nitong sabi at padabog na humarap sakin. Tinignan ko siya sa mata at ganun din siya.
"Mahal mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...