Chapter 13

46 3 0
                                    


Sunday. 11:35pm

Haay. What a very lovely day! Maganda ang weather, kasing ganda ko at walang gaanong traffic. Paguwi ko sa bahay itutuloy ko na yung ga sinulat kong excuses na sasabihin bukas kay Chance. Wala pa akong naiisip eh.

Lumiko si Daddy ng daan. Nagkunot ako ng noo. I leaned forward. "Daddy, saan tayo pupunta?"

Tapos nanaman kasi kami magchurch. Ang alam ko uuwi na kami ngayon at magfafamily time na.

"Sa mga Auntie Stella mo, anak." sagot ni Daddy habang busy sa pagdridrive.

Kina Auntie Stella? Mommy ni Drew? "Bakit daw po?" tanong ko.

"Namiss lang ng Auntie mo tayo kaya sabi dun na daw tayo maglunch." sagot ni Mommy. Tumango na lang ako kahit hindi nila nakikita at sumandal muli sa backseat.

Maya maya naman ay pumasok na kami sa village nila Drew. Parang village lang din namin ito. Tumigil kami sa isang malaking bahay. Kina Drew na ito. Bumaba ako agad at nagdoorbell.

Si Manang Lota ang nagbukas nito. Matagal na itong kasambahay nila Drew. Tanda ko pa na siya ang nagpapaligo sakin kapag napuputikan ako sa paglalaro.

Niyakap ko ito. "Hi, Manang Lota! Kamusta po?"

"Naku naman, ija. Ayos lang ako. Eh ikaw ba?" tanong niya. Bumitaw ako sa yakap at nginitian siya.

"Ayos lang po. Sina Auntie po?"

"Ah. Nasa nay veranda kasama si Sir at si Drew. May kasama ngang babae." sabi nito. Tumango ako.

Babae? Edi si Nicole ito? Pinakilala niya agad si Nicole eh hindi pa nga sila nagtatagal? Tss.

Pumunta ako sa veranda. Nakasunod ako kay Mommy at Daddy na nangunguna. "Oh, Abelardo, Cecil, you're here!" sabi ni Auntie Stella. Nagbeso silang dalawa ni Mommy si Daddy naman at si Tito ay nagtanguan lamang.

"Jordan, ija!" bati ni Auntie sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap naman niya ako. "Naku, ang ganda mo ata ngayon? Blooming. May boyfriend ka na ba?"

"Ah, wala po." sagot ko. Lagi naman akong maganda. Choss

"Oo nga pala. Si Nicole, girlfriend ni Drew." pakilala ni Auntie kay Nicole. Binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti.

"Ma'am, Sir, handa na po yung pagkain." pasok ng isang babaeng kulot ang buhok. Bago yata ito.

Tumayo kaming lahat at pumunta sa kusina para kumain ng tanghalian. Ang sarap talaga ng luto ni
Tita!

"Jordan, what are your plans in college?" tanong ni Tito. Linunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot.

"Balak ko po sanang magmedicine." sagot ko.

"You're not going to take BusinessAd?" tanong ni Tita.

Umiling ako. "Hindi po. Gusto ko po kasi talagang magdoctor eh." sagot ko. Tumango naman ang magasawa.

"Si Dustin kasi ang kumuha ng Business Ad. Siya ang kukuha ng pwesto ni Abelardo sa kumpanya." sabi ni Mommy.

Dustin is my older brother. Nasa States siya ngayon, nag-aaral ng business Ad. Minsan lang siy unuwi dito sa Pilipinas. Ngayong year na siya magtatapos ng college dun. Pagkatapos na grumaduate ay uuwi siya dito para magrule over sa kumpanya namin along with my guy cousins.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano dun. I learned that Nicole was not from a rich family. Her father was a call center agent and her mother was a housewife.

"Excuse me po. Magbabanyo lang." paalam ko sa kanila. Tumango naman sila kaya umalis na ako sa lamesa.

Ihing ihi na ako. Ang dami kong nainom na juice. Ang sarap kasi. Umakyat ako sa unang palapag dahil dun located ang banyo. Pumasok ako dun and I did my thing. Naghugas ako after at tinignan ang itsura ko sa salamin. Ang ganda ko talaga. Pinihit ko pabukas ang pintuan and I was surprised to see Nicole at the door. She was holding a glass of juice.

"Hey, magbabanyo ka?" tanong ko. She just smirked bago ibuhos sakin yung juice. "What the?!"

Pagkatapos nun ay sinabunutan niya ako. "What the fuck is wrong with you? Aray! Let go of my hair!" sigaw ko. "Ouch!" tumama ang likod ko sa railing. She strangled me naman. "A-aray! N-nicole! Stop it!" sigaw ko. Sht! I can't breathe!

"Anak!"

"Jordan!"

Narinig kong sigaw nila mula sa baba. Nicole let go of my neck. I massaged it naman. Ang sakit. I gasped and gasped for air hanggang sa normal na ang pagkakahinga ko. Drew was beside Nicole and she was pulling her away from me. Nicole looked shocked, frightened even. Baka dahil nakita ng parents ni Drew ang ginawa niya sakin.

"Anak, are you alright?" tanong sakin ni Mommy. Kasama niya si Daddy and Tita Stella. They looked worried..

"Opo.. Tita, can I have some water, please?" I asked.

"Grace! Pahingi ng tubig." utos niya sa isang kasambay na kulot ang buhok.

Binigay sakin ang tubig at diretsahan ko ininom ito.

"Naku, ija. Ano ba naman iyong babae na yun?" sabi ni Tita.

Dahan dahan kaming bumaba. Inalalayan ako ni Daddy. Si Mommy naman at si Tita ay patuloy parin sa pagusap tungkol kay Nicole.

I saw Tito talking to Drew outiside the house. Lumapit kami dun and Drew looked at me.

"Stella, Tony, una na kami ha. Salamat sa lunch." sabi ni Dad. Tumango naman si Tito at si Tita.

Naglakad ako papunta sa kotse namin and I was surprised to see Nicole na nakaupo sa hood ng kotse ni Drew at masama ang tingin niya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok sa kotse. Dun ko lang naramdaman ang lagkit ng juice na binuhos sakin ni Nicole kanina.

Ano ba ang nangyari sa babaeng yun?

We drove off.

---

Nang nakarating na kami ng bahay ay dali dali akong pumunta sa kwarto. Tinanggal ko ang suot kong dress at naghubad na tapos dumiretso sa banyo. Naligo ako.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Pumunta ako sa kama at humiga na. Gosh, parang tinatamad na ako kumain g dinner later dahil sa nangyari.

Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon