"Anak, may tissue pa ba tayo sa bahay?"
"Jordan?"
"Ay sorry po, Mommy. Wala na pong tissue. Bibili na po ulit." sagot ko sa Mommy ko. Lumapit ako sa mga tissue at kumuha dito.
Bumuntong hininga ako. Paano kaya kung mainlove si Drew ng todo kay Nicole? Etsupwera na lang ako sa buhay ni Drew? No more Bela. Wala na yung lalaking nakakasama ko sa lahat ng bagay. Wala na yung lalaki na--
"Anak...Anak!"
"Po?!" sigaw ko. Napatingin tuloy yung ilang mga tao na nadun sa aisle. Nakakahiya..
"Ano ba ang nangyayari sayo? Ang dami mo ng nailagay na toilet paper sa cart!" sabi ni Mommy. Tinignan ko ang cart at may 6 na toilet paper doon.
"Sorry po..." sabi ko. Dinampot ko isa isa ang mga toilet paper at binalik sa rack. Nagtira lang ako ng tatlo dun sa cart
"Ano ba ang nangyayari sa iyo, bata ka? You're spacing out! May problema ba sa school?" tanong ni Mommy.
Umiling ako. "Wala po. Masyado lang po akong puyat kaya ganito." sagot ko na lang. Hindi ko sasabihin ang tungkol kay Drew. Hindi muna ngayon.
"Cecil... Ikaw nga!" sabi ng isang babaeng mid 30's. Lumapit siya kay Mommy at niyakap ito.
"Anna! Ang tagal na nating hindi nagkikita." sabi ni Mommy.
"Ay, oo nga pala. Ang anak ko, si Jordan." sabi ni Mommy. "Jordan, si Tita Anna mo. Bestfriend ko noong college."
"Hello po Tita. Mano po." sabi ko at lumapit sa kanya para magmano. Manners. Turo sakin ni Mommy at ni Daddy.
"Ganda namang bata." sabi ni Tita Anna. Nagpasalamat ako at ngumiti ng tipid. "Ito nga pala ang anak ko. Si Chance."
"Ikaw?!" sabay naming sabi..
"Magkakilala kayo, anak?" tanong ng Mommy ni Chance sa kanya. Tumango naman si Chance.
"That's great! Mas mapapadali ang plano natin na maikasal sila!" sabi ni Mommy.
"Ma!" sabi ko. "Nakakahiya.."
"Naku, ija. You don't have to be shy. Sadyang may plano kami ng Mommy mo na ganito." sabi ni Tita Anna.
Tinapos namin agad ang grocery at kumain sa labas. Sabi nga ni Mommy at ni Tita Anna. 'We have so much catching up to do!'
Kasalukuyan kong nilalaro ang milkshake na inorder ko. Katapat ko si Chance na nagcecellphone.
"Bakit ba ikaw na ang lagi kong nakikita? Nakakasawa na ang mukha mo ah." bulong ko. Baka kasi marinig ni Tita Anna at kung ano pa ang sabihin nun.
"You should be thankful because you're seeing a face this handsome." sabi niya habang nakatingin sa phone niya.
"Nahiya naman daw ako sa'yo." sabi ko. Feeling naman nito siya yung God's gift to women. Tss.
"Why?"
"Mas pogi si Drew kaysa sa'yo, aber." sabi ko at inirapan siya.
"I though he was your boyfriend. Why is he with Nicole?" tanong niya. Nakakunot ang noo niya at nakatingin na siya sakin ngayon.
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Bahala sila. Magpakasaya sila." sabi ko. Bitter na kung bitter. "Tsaka hindi ko nga siya boyfriend. Magbestfriend lang kami nun noh." dagdag ko pa.
Tumango lang ito.
"Nakakainis nga. Feeling ko mawawala sakin si Drew dahil niyang Nicole na yan. I hate her. Aagawin niya sakin si Drew. Mas maganda naman ako sa kanya. Ano ba ang nagustuhan ni Drew dun? Ako yung pinakamatagal niyang kasama pero hindi naman niya napapansin ang beauty ko." sabi ko.
"Nicole is pretty. She's sexy too and she's a chinita. I have a thing for chinitas." sabi niya.
He's got a thing for Chinitas? Edi hindi niya ako magugustuhan. Hindi naman ako Chinita eh. Sakto lang yung laki ng mata ko. Bakit ko ba iniisp yun? Tsk! Wala akong pake, okay? WALA.
Inintay namin na matapos ang mga nanay namin na magkwentuhan. After ilang years ay natapos din. Nagpaalam na kami at umuwi na.
"Zach seems like a nice boy.." sabi ni Mommy.
"Don't start with me, Mommy." sabi ko.
"What? Sinasabi ko lang naman na nice boy siya. Wala nanaman akong sinasabi na iba. Ito naman." sabi ni Mommy.
"Tss. Whatever, Mom." sabi ko. She just chuckled at pinaandar na ang kotse.
BINABASA MO ANG
Best Mistake
RomanceJordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may puso naman. Napakamysteryoso pero mabait naman kahit papano. Paano kung mahulog si Jordan dito? Lolo...